Nadala lang daw ng emosyon sa pagbanat Robin ginawang Valentine gift ang pagso-sorry sa mga taga-showbiz!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Bilang Valentine gift daw niya kay Mariel Rodriguez, nag-apologize si Robin Padilla sa asawa pati na rin sa pamilya at mga kaibigan nito sa ABS-CBN dahil sa post niya the other day. Humingi rin siya ng dispensa sa GMA 7 na kasama rin sa kanyang tinuligsa.

Nag-post kasi si Binoe last Thursday sa kanyang Facebook account at hinahamon niya ang mga sikat na artista ng ABS-CBN at GMA-7 na ilabas daw ang kanilang mga kontrata para makita ang kaibahan ng kinikita nila sa kinikita ng maliliit na workers sa industry.

“Gusto niyo pala itama ang mali abay umpisahan natin sa una pag-usapan muna natin ang tamang sueldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kompanya unahin niyo yun tao ng kompanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?” bahagi ng FB post ni Binoe last Thursday.

Tila ipinupunto ni Binoe na magkaroon ng regularization sa showbiz industry pero hindi yata niya nakikita na hindi lang naman ang industriyang ito ang walang regularization. Talaga namang marami tayong contractual employess maging sa labas ng showbiz.

Marahil ay na-realize naman ito ni Binoe kaya kahapon ay nag-post siya ng paghingi ng dispensa. Aniya ay nadala raw siya ng kanyang emosyon at pagiging marupok sa una niyang post.

“Praise be to God! Pabida daw ako sabi ng netizen pasensya na po kayo ilang dekada rin po ako na nagbida sa maraming pelikula at teleserye katunayan ako po ay pinalad na maranasan ang golden era ng movies at television when monopoly is still not the language but passion and expression when making movies and shows are like paintings not factory made.

“Masuerte ako na inabutan ko ang mga katulad ni Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez mga artistang naging boses ng manggagawa sa sining hindi nga lang maisabatas ang mga negosasyon dahil laging nasa awa lamang ng mga producer nakasalalay maisakatuparan ang napagkasunduan kaya’t napakapalad ng mga bida sa oras na ito dahil bumagsak sa harapan nila ang usapin at isyu ng abscbn.

“Isang pagkakataon ito na hindi naibigay sa mga hari ng pelikulang pilipino isang ilaw ito sa isang napakadilim na mundo ng showbizness 70 percent ng workers sa movie industry are living in poverty at sila yun mga nasa ground and almost 90 percent ng lead actors and actresses character actors and actresses die in poverty and shame some are exploited to gain mercy and financial assistance.

“The King himself Eddie Garcia died in vain and in pain while performing his duty as an actor ...

“As a gift to my wife this valentines day I apologize to all her family and friends in abscbn ganon din sa gma at tv5 patawarin niyo ako the ex convict in me overtook my emotions inaamin ko ang aking pagiging mapusok i could have said my piece in a spiritual way ‘Lets give the profit of our labor to our employers but our voices to the laborers’,” ang kabuuan ng Instagram post ni Binoe.

Zaijian may payo kontra budol

Si Zaijian Jaranilla ang bibida ngayong Sabado sa Ipag­laban Mo sa episode na pinamagatang Budol. May aral ang kwento nito dahil tungkol ito sa isang ina na nadenggoy ng isang nagpanggap na fortune teller at sinabing may nakabaong ginto sa ilalim ng kanilang bahay.

Ginagampanan ni Carmi Martin ang inang nadenggoy habang si Zaijian naman ang gumaganap na kanyang anak na maaapektuhan ang pag-aaral dahil sa pagbibigay ng malaking pera ng kanyang ina sa pekeng manghuhula para hukayin ang sinasabing ginto sa ilalim ng kanilang bahay.

Ayon kay Zaijian sa kanyang panayam sa Kapamilya Confessions online, mabuti na lang daw at hindi pa niya nararanasan in real life ang mabudol at sana raw ay huwag mangyari sa kanya.

Payo niya na huwag magtitiwala sa mga hindi kakilalang tao especially pagdating sa pera.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with