Donny wala pang karanasan sa babae
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Believe it or not, Salve A., sa edad na 22 ay hindi pa raw na-experience ni Donny Pangilinan ang magkaroon ng girlfriend.

Kaya, ‘di rin daw niya nararanasan pa ang mag-celebrate ng Valentine’s day with a girl whom he considers special.

But pre-Valentine day, it has been his habit to celebrate with friends. And because February 10 happens to be his birthday.

Nitong nakaraang kaarawan niya, however, ibang selebrasyon ang naganap. February 10 kasi ginanap ang premiere ng kanyang now showing movie, James and Pat and Dave.

The event was held at the Cinema One of the SM Megamall. Kaya, it proved a most memorable occasion for Donny.

Directed by Theodore Borobol, James and Pat and Dave co-stars Donny with reel and real-life sweethearts, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

“Di ba siya naiinggit?,” tanong ng mga entertainment writer kay Donny minsan sa isang interview. “May mga pagkakataon kasing extra sweet sa isa’t isa sina Ronnie at Loisa.”

Natawa, sagot ni Donny. “I know, soon, too, I will fall in love. At ‘di ko ito ipagkakaila sa kahit kanino. Lalo na sa aking followers at entertainment writers.

“And, of course, sa mga vlogger.”

John maraming beses dumalo sa healing session ni Fr. Suarez

Buhay pa pala ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez nang simulan nina John Arcilla at direk Joven Tan ang pagsasa­pelikula ng kanyang buhay. In fact, kung ilang healing masses daw ni Fr. Suarez ang kanyang nasaksihan, ayon pa kay John.

At marami ang attendees. Hoping obviously na may posibleng milagrong maganap sa kung anumang kanyang hinihiling.

John did not mention kung may nasaksihan siyang instant healing, kumbaga. Pero, halatang malaki at matindi ang belief niya kay Father Suarez. Mabait daw kasi ito.

Lalong humanga raw si John kay Father Suarez, dahil sa bago ito binawian ng buhay, naabsuwelto ito sa charges of committing sexual abuse to minors.

And the absolution case from no less than the “power” sa Vatican.

John, to date, is still playing a kontrabida sa top series na FPJs Ang Probinsyano, which Coco Martin topbills.

Kim natupad ang pangarap kay Boyet

Masayang-masaya si Kim Chiu dahil finally ay makakatrabaho na niya si Christopher de Leon sa new Kapamilya series na Love Thy Woman. They play father and daughter.

Supposedly, anak si Kim ni Boyet (Christopher’s pet name), who plays a Chinese billionaire sa supposed second wife nito, portrayed naman by Sunshine Cruz.

First wife naman ni Boyet si Eula Valdez at may anak sila, played by Yam Concepcion.

Ang ganda ng twist ng Love Thy Woman, since magkakaroon sila supposedly ng affair sa character na pinu-portray ni Xian Lim (sweetheart ni Kim in real life), na gumaganap bilang asawa ni Yam na na-bed ridden, matapos maaksidente sila ni Xian, after their supposed wedding.

Hangang-hanga raw si Kim, lalo na sa confrontation scenes niya kay Boyet, nang matuklasang may ugnayan sila ni Xian.

Directed by Jerry Lopez Seneneng at Andoy Ranay, Love Thy Woman also stars Ruffa Gutierrez at Zsa Zsa Padilla.

Love Thy Woman marks Ruffa’s first series, after I Love Betty La Fea, serialized in 2008. I Love Betty La Fea co-starred Ruffa with John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Of Kim, by the way, kinumpirma niya ang relasyon kay Xian kay Boy Abunda nang  mag-guest siya sa TWBA (Tonight With Boy Abunda) last November 2018.

Yes, Kim told Boy, naging mag-on sila noong 2013.

Xian’s gift to Kim yesterday, Valentines day, was a big heart made by roses.

Ah, love.

DONNY PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with