Jinkee nagiging in demand na endorser!
Jinkee nagiging in demand na endorser!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 15, 2020 - 12:00am

Naku Salve ha, sa nakikita kong mga bagong photos ni Jinkee Pacquiao, parang guma­ganda siya araw-araw.

Maganda ang taste niya sa damit at may flair siyang magdala ng accessories.

Hindi tulad ng iba na parang trying hard sa mga signature nilang gamit, si Jinkee para namang toned down ang pagdadala.

Saksi ka Salve sa pagiging very simple at pagiging magalang ni mama Jinkee nang makasama natin siya sa Paris wedding nila Dra. Vicki at Hayden Kho. Hindi siya iyong maingay na celebrity na ikot nang ikot at papansin. Iyon mga kapatid niya na sina Haydee at Janet ay mababait din. Magalang ang mga anak nila ni Papa Manny, walang yabang.

Kaya marami ngayon ang gustong maging endorser si mama Jinkee kasi pati IVI Meth collagen drink gusto siyang kunin na siyempre ay depende kay Bernard Cloma na sure ako bibigay na ang gloves ni Lynette Baldivino. Hahaha.

Naging antukin...

Ewan ko kung puwede kong pagbintangan ang ProMag 300 sa pagiging antukin ko lately ha.

Ginagawa kong habit na ibabad ang mga paa ko sa mainit na tubig na mayroong ProMag 300. Eh alam mo naman ako, may mga moment ng addictions, hahaha. Eh nasarapan ako sa pagbabad ng mga paa ko sa mainit na tubig kaya almost everyday ko ginagawa. Pero ang bad side, lagi akong inaantok at tulog nang tulog.

Ginagamit ko ProMag 300 dahil hindi internal, external lang naman, babad lang paa mo sa mainit na tubig, so kung meron benefits ok, kung wala ay ok din, hahaha.

So tulog pa more ako. Goodnight.

Niña nag-ala Kupido!

Naloka ako nang may dumating na isang dosenang red roses, Salve.

Akala ko padala ito ni Jo In-sung o meron akong secret admirer na nagpaparamdam. Hahaha, at the age of 73 hah. Iyon pala galing kay Congresswoman Niña Taduran na ang sweet dahil naalala pang magpadala ng bulaklak samantalang very busy siya sa trabaho.

One thing na talagang hahangaan mo kay Niña hindi siya nakalimot at nagbago sa mga kaibigan. Kaya kahit saan mapunta si Niña, promise susuportahan natin Salve dahil she is a good friend at meron isang salita. Aside from that, angel siya ni Raffy Tulfo at katulong niya ito sa kanyang mga advocacy. Thank you Niña. You will soar high dahil you have a good heart.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with