Ogie at Regine
Ogie at Regine inakusahang malas!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 14, 2020 - 12:00am

Nagsasara raw ang mga pinupuntahan

May isang basher na nag-tweet na MALAS daw ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid dahil kung saan daw ang mga ito ay palaging nawawala (ang show) like sa SOP, PP (Party Pilipinas) at SAS (Sunday All Stars) at feeling daw ng basher na ‘yon ay ang mag-asawa ang may dalang kamalasan kung magsasara ang ABS-CBN.

Knowing Ogie, hindi niya pinatulan ang basher na ‘yon at ang reply lang niya ay, “God bless you.”

In fairness to Ogie, hindi siya mapagpatol sa mga basher, ‘noh?!

Saka napakasuwerte sa buhay ng mag-asawa, kaya bakit maman papatulan ni Ogie ang basher na ‘yon, ‘noh?!

Gwen handang-handa na sa kasal 

Kahapon ay kapalitan ko ng DM (direct message) sa Instagram si Gwen Zamora.

Malapit na kasi ang kasal ni Gwen sa fiancé niyang PBA (Philippine Basketball Association) player na si David Semerad.

Actually, nakapag-food tasting na nga sila at ang caterer na kinuha nila para sa special day sa kanilang buhay ay ang Juan Carlo The Catering, Inc. (paborito rin ito ni Annabelle Rama at ito ang nag-cater sa Sweet 16 birthday event ni Lorin Gutierrez last year, remember Ateng Salve, sarap na sarap kayo sa food nila?) at happy nga raw sila sa mga pagkaing ipinatikim sa kanila.

Noong May 10 last year nang mag-propose si David kay Gwen.

Isinabay ‘yon ni David sa gender reveal party sa noo’y buntis na si Gwen.

Ngayon nga, medyo lumalaki na ang anak nilang si Baby Cooper at magkaka-ngipin na raw.

Sabi ni Gwen, “Yes, this is it!”

So, sa May na ba ang kasalan nila? “Sa June po,” sey ni Gwen.

Sa Boracay island ba ‘yon like sa sinabi sa akin ni David noon?

“In Tagaytay po. A small vacation home there. Amberfields Farmhouse,” impormasyon ni Gwen.

Sabi niya, “But mahirap with the logistics,” kung sakaling sa Boracay raw nila gagawin ang kasal katulad ng nauna nilang plano.

Sa ngayon, nag-e-exercise na rin si Gwen, obviously, pinaghahandaan na niya ang nalalapit na kasal nila ni David.

Ang bongga!

Miho Nishida at fans mahilig magpasalamat

Bilib ako sa mga fan ng PBB (Pinoy Big Brother) alumna na si Miho Nishida.

May maliit lang ako na naisulat dito sa PM (Pang Masa) tungkol sa kanilang idolo, panay na ang pasalamat nila.

Actually, pati si Miho, nakakabilib din dahil nag-message siya sa akin para mag-thank you.

Bibihira na lang sa mga artista ang marunong mag-thank you kapag naisusulat ng entertainment press.

Ang karamihan kasi sa mga celebrity ngayon, feeling nila ay napaka-bongga na nila dahil sa kanilang social media accounts.

Hindi sila marunong mag-appreciate kapag naisusulat ng entertainment press!

‘Yun na!

OGIE ALCASID REGINE VELASQUEZ-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with