Angel Locsin
ABS-CBN umaming may pagkakamali!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 14, 2020 - 12:00am

Nagbago na ang tono ng panawagan ni Angel Locsin para huwag namang tuluyang isara ang ABS-CBN, na naging home studio niya nang ilang taon na matapos na umalis sa GMA-7. Noong una, medyo maanghang pa ang mga salita ni Angel, na pamangkin din ng isa pang kritiko ng gobyerno na si dating Congressman Neri Colmenares. Pero ngayon ang pakiusap niya “kung mayroon man pong mali, gawin po nating tama.” Tama ang sinabing iyan ni Angel.

Kasabay noon, inamin din ng ABS-CBN na sila ay hindi naman isang perpektong kompanya, at nakahanda naman silang ituwid kung anuman ang hindi tama sa kanilang kompanya.

Lahat nang ito ay lumabas matapos na madama ang matinding pressure upang huwag mai-extend ang kanilang broadcas­ting franchise. Hindi mai-kalendaryo sa house ang labing isang bill na ginawa ng congressmen para sa extention ng franchise. Sinabayan pa ang isang quo warranto petition ng Solicitor General na hinihingi ang mabilis na aksyon ng Korte Suprema upang suspindihin na ang franchise ng network dahil sa ilang violations.

Kabilang sa nabanggit na violations ay ang pagbebenta ng share ng kompanya sa mga kumpanya at kapitalistang dayuhan na sinasabing labag sa konstitusyon.

Marami namang ganyan ding pagkakamali. Ilang taon na ang nakaraan may isa pang network na nakagawa rin ng ganyang pagkakamali. Pero nang malaman nilang paglabag pala iyon sa kanilang franchise, muli nilang binili ang shares of stocks na iyon sa kumuha sa kanila. Kung nagawa man iyon ng ABS-CBN, maaari naman talaga silang “mag-buy back” ng sinasabing shares.

Kung sila man ay nakapagbigay ng serbisyong wala sa ayos, kagaya ng pay per view na wala raw permiso, maaari naman siguro silang multahan. Mabigat din kasi iyong isara mo na lang ang kompanya.

Nagpahayag din naman si Angel Locsin na wala raw tatakbuhan ang mga manggagawang biglang mawawalan ng trabaho kung sakaling maipasara rin nang bigla ang ABS-CBN. Pero kagaya nga ng sinasabi namin noon pa, maaari naman silang humingi ng provisional permit mula sa NTC kung sakali. Hindi rin magiging bigla ang kanilang pagsasara kung hindi na nga mapalabas ng congress ang bagong franchise.

Isa pa, mabilis namang nagsabi si Labor Secretary Silvestre Bello na ang Department of Labor and Employment ay nakahandang magbigay ng tulong sa mga mawawalan ng trabaho. Maaari silang tulungan sa pamamagitan ng livelihood assistance o kaya ay tulungang makahanap ng panibagong trabaho.

Naniniwala pa rin kaming hindi naman basta-basta masasara ang ABS-CBN. Iyang mga bagay na iyan ay maaari namang pag-usa­pan nang maayos at maituwid kung anuman ang pagkakamali. Ang mahalaga inaamin na ngayon ng ABS-CBN, na posibleng may nagawa nga silang pagkakamali.

Nabanatan naman nang husto si Regine Velasquez dahil sa kanyang statement na para bang sinasabing hindi mabubuhay ang sambayanang Pilipino kung mawawala sina Vice Ganda, Coco Martin at ang iba pang mga artista ng ABS-CBN, kabilang na sila ng kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Ang tagal nga namang nawala ng ABS-CBN, at nakabalik lang noong panahon ni Cory Aquino. Eh bakit nabuhay naman ang mga Pinoy bago ang panahong iyon?

Noon mayroong RPN, IBC, BBC at iba pang networks kung saan may trabaho rin ang karamihan sa mga nasa industriya ng broadcasting, na bigla ring nawala nang ipasara ng Cory government at sinequester ang mga iyon mula sa mga may-ari na pinagbintangan niyang crony. Tingnan ninyo, nabuhay pa rin ang mga broadcaster.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with