_pang-masa
^

Pang Movies

Life story ni Mother Lily, postponed muna

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Life story ni Mother Lily, postponed muna
Mother Lily

Malamang na hindi na raw muna matutuloy ang pagsasapelikula ng buhay at pag-ibig ni Mother Lily Monteverde. Hindi raw nito gaanong nagustuhan ang script na ipinresent ni Direk Erik Matti, na siyang magdidirek ng nasabing pelikula.

As we all know, si Judy Ann Santos sana ang gaganap na young Mother Lily, habang si Vilma Santos-Recto naman ang napisil nila bilang current Mother Lily, pero nag-begged off ito dahil sa schedule.

Wala pa ring tiyak kung sino sana ang gaganap na young and older Father Remy Monteverde, ang better half ni Mother Lily, and of course, kung sinu-sino rin ang mga gaganap na anak nila.

Well, siguro nga, magandang i-consider, Salve A., ang suggestion ng fellow entertainment writer nating si Mario Bautista, na isang documentary na lang tungkol kay Mother Lily ang i-produce ng Regal Entertainment.

Since buhay pa nga naman si Mother Lily, plus the people involved sa kanyang struggles both as a person and a producer. Mas magiging more factual ang dating ng dokyu.

Palagay mo Salve A.? (Ay ok din po ang docu. Mas madali sigurong gawin. - Salve A.)

Jane at RK walang regret sa mga naging ex

Jane Oineza and RK Bagatsing never experienced in their past romances ang ibang mga bagay-bagay, which they regret.

For them, obviously, once a relationship is over, that’s it.

Yet, ayon sa kanila, nakaka-relate sila somehow sa characters na pino-portray nila sa pelikula nilang Us Again na idinirek ni Joy Aquino.

May regret silang nararamdaman tuwing may relationship silang nag-fail, but never silang nakipagbalikan, which they now both think, especially because they are older, na iyon ay isang maling desisyon.

Ang importante ngayon, na-realized na nila ang mga mali nila.

Importante raw talaga ang komunikasyon. Pero para sa kanila, kahit hindi man nagkatuluyan, ang mahalaga ay naging magkaibigan pa rin sa huli.

Us Again is Jane and RK’s second movie together. They were first paired sa seryeng Araw Gabi, and they both hoped that one day soon, they’ll be given the chance to work together again.

Samantala, three young faces are introduced sa Us Again, Jin Macapagal, Sarah Edwards at Miko Gallardo.

Ipapalabas na sa February 26 ang nasabing pelikula.

Barbie na-friend zone kay Jimuel

Jimuel Pacquiao, panganay sa mga anak ni Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, denies na nililigawan niya si Barbie Imperial.

He admits, though, na dalawang beses na silang naghiwalay ng dati niyang girlfriend na si Heaven Peralejo.

Medyo hindi rin daw maganda ang hiwalayang naganap sa kanila, kaya may hinanakit sila sa isa’t isa nung first time silang mag-break ayon sa kanyang interview kay Boy Abunda sa Tonight WIth Boy Abunda.

Eighteen years old na si Jimuel, and a high school graduate from an international school.

‘Di pa raw niya sure kung anong course ang kukunin niya sa college, pero determined daw siyang sundan ang yapak ng kanyang ama sa pagboboksing, na ayaw naman sana ng kanyang ina.

Loveless pa rin si Jimuel hanggang ngayon.

Asked naman namin si Heaven on why she and Jimuel, for the second time, parted ways, she replied: “Time to let go, we are both happier now.”

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with