Heart
Heart sinama ang netizens sa grocery shopping
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 13, 2020 - 12:00am

Aliw ang feature ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa GMA News Online kung saan sinama niya ang viewers sa isang glamorosong grocery shopping experience.

Game na game siyang sagutin ang mga perso­nal questions tulad ng kung paano siya bilang anak, kapatid, isang asawa kay Sen. Chiz Escudero at kung kailan siya unang nasawi sa pag-ibig.

Rhian nag-food trip sa NY

Maganda ang naging simula ng taon kay Rhian Ramos nang mapabilang siya sa powerhouse cast ng bagong primetime series sa GMA na Love of My Life. Nagbabalik-TV ang aktres matapos magpahinga ng mahigit isang taon. Happy rin ang love life ni Rhian at kaka-celebrate lang nito ng first anniversary kasama ang kanyang Israeli boyfriend noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan, enjoy na enjoy siya sa food trips niya sa New York. Deserve naman niya ito for her hard work.

Christopher napahanga kay Rhea

Tuwang-tuwa si Christopher de Leon nang ma-meet niya si Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Talaga raw ang husay nitong mag-sales talk ng mga product ng Beautederm.

Convinced talaga si Christopher sa mga magagandang products for men na sabi nga ni Tonton Gutierrez, talagang ginawa para sa mga macho.

Cute na cute rin si Christopher sa mga jacket ng mga Beautederm ambassadors na sinusuot nila pag meron silang meet and greet at personal appearances.

Nakita mo agad ang chemistry nina Rhea Tan at Christopher na impressed na impressed sa business sense ni Rhea at kung paano lumaki ang negosyo sa maiksing panahon lang.

Salamat Rhea for trusting my alagas Lorna Tolentino, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez at Christopher de Leon as beauty ambassadors. 

Boyet kinumusta si Nora

Pagkatapos namin makita si Christopher punta naman agad si Gorgy sa presscon ni Nora Aunor, Salve, hahaha.

Parang pinagtiyap talaga ng tadhana ‘di ba, at sabi nga ni Christopher ikumusta siya kay Nora ni Gorgy. Bongga ‘di ba?

Pero nagagandahan naman si Christopher sa bagong serye ni Nora na Bilangin ang Bituin sa Langit ng GMA 7. At sabi nga, hindi pa rin nawawala ang magic ni Nora sa acting. Pero ang natutuwa ako sa pagbabalik-telebisyon ni Isabel Rivas. Bongga! Matagal din kasi siyang nagpahinga, pero now, kita mo pa rin ang asim niya sa acting.

Watch natin sa GMA ang Nora Aunor serye na ito, Bilangin ang Bituin sa Langit.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with