Kim at Xian
Serye nina Kim at Xian pang-primetime ang datingan!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 13, 2020 - 12:00am

Mabuti na lang at may Love Thy Woman afternoon series na sa ABS-CBN ang real and reel sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim, kaya mukhang tanggap naman ng karamihan ng KimXi fans na pagdating sa pelikula ay iba’t iba muna ang kapareha ng aktor.

May Untrue kasi si Xian na ipapalabas na next week, then ipapalabas na rin daw ‘yung Love The Way You Lie movie ni Xian with Alex Gonzaga at nag-start na rin sila ni Ryza Cenon ng shooting for their Sa Muli movie.

Wala na rin kasing natirang movie contract sa Star Cinema si Xian, kaya puro sa Viva Films siya ngayon.

Sana nga lang daw, magkaroon ng co-production ang Viva Films at Star Cinema para sa isang KimXi movie para matuwa ang fans ng mag-sweethearts.

Anyway, going back to Love Thy Woman, maganda ang feedback sa nasabing afternoon series, kaya ngayon pa lang daw ay extended na sila.

Wow, ang bongga! Parang primetime in a afternoon time slot naman kasi ang series na ‘yon lalo na at star-studded sila dahil bukod sa KimXi, naroon din sina Christopher de Leon, Eula Valdez, Ruffa Gutierrez, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz at marami pang iba.

Say pina-cancel ang birthday party ng anak!

Dahil sa lumalalang problema sanhi ng Novel Coronavirus, maraming events ang nagka-cancel.

Ang PBB (Pinoy Big Brother) alumna na si Say Alonzo, napilitang i-cancel na ang first birthday party ng second child na si Austin.

Actually, nakapag-invite na nga noon pang January si Say para sa birthday ng anak at nakapag-“yes” na rin ako na a-attend doon.

Post ng kumare ko sa kanyang Facebook account, “Sad because cancelled first bday celebration ni Austin. Ayos na lahat since September... Need to cancel Austin’s party because of the NCoV and halos lahat ayaw magpa-refund ng binayad ko.... haaay.. hard earned money lost. Nakakaiyak yung naghanda ka sa magandang celebration para sa anak mo and then mapupunta sa wala and then yung binayad mo, di mo pa makukuha.”

Sad nga lang at mahirap magpa-refund!

Angeline at Jed nairaos ang concert kahit na may virus

Natuloy naman kagabi ang Voices for Love dinner concert nina Jed Madela at Angeline Quinto na ginanap sa The Marriott Grand Ballroom.

Hindi naman ganoon kalakihan ang dinner concert na ‘yon, kaya safe naman daw.

Ang karamihan din ng malalaking Valentine’s concert, ipinapanukalang i-postpone muna, pero wala naman akong naririnig na hindi matutuloy. Nagpalabas nga lang sila ng safety precautions.

Marami sa mga ‘yon ang may infrared thermometers at may mga alcohol dispensers sa venue.

At least, may mga ganoon na, huh! Better din kasi para makaiwas sa nCoV.

‘Yun na!

KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with