Raymond
Raymond hindi nakaalis ng US dahil kay Elton John
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

Dapat ay paalis na noong Sunday sa Los Angeles, California si Raymond Gutierrez (galing siya sa Mexico kung saan nag-post birthday celebration siya with some friends), pero dahil nakatanggap siya ng invitation para sa Oscars after-party ng legendary singer na si Elton John (for his foundation), nag-extend muna ang twin-brother ni Richard Gutierrez para maka-attend sa nasabing event.

Gusto na rin sanang umuwi ni Raymond ng Philippines dahil may birthday event bukas ang BFF niyang si Georgina Wilson, pero dahil sa puyat, nag-explain na lang siya sa kaibigan.

Naintindihan naman ni Georgina kung bakit hindi siya makaka-attend.

“Babawi na lang ako kay George (tawag niya sa model/socialite-friend). Lalabas na lang kami,” sabi ni Raymond.

Pag-uwi nga pala, paghahandaan naman ni Raymond ang isa pang bridal shower ng soon-to-be sister-in-law niyang si Sarah Lahbati.

Beach naman daw ang destination nila ng March 2-5. “I’m excited!” sabi ni Raymond.

Speaking of Sarah, sa tsikahan namin the other day, naikuwento niya na nag-start na sila ng diet ni Richard noong Monday dahil sa March 14 na nga naman ang kanilang wedding.

Dennis da Silva gustong umapela sa reclusion perpetua

Isang malapit sa dating aktor na si Dennis da Silva ang nakausap ko at nagsabing balak nito (sa pamamagitan ng misis na si Tina) na lumapit sa ilang mga naging kaibigan sa showbiz para sa balak na pag-a-appeal sa naging hatol ng husgado sa kaso nito.

Si Dennis ay nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa kasong rape at child abuse. Pinagbabayad din siya ng P4.5 million sa biktima na kanyang stepdaughter.

Ang taong malapit din kay Dennis ang nagkuwento sa akin na “devastated” ang dating aktor sa kinalabasan ng kanyang kaso.

Lotlot at Matet magkasama sa Burado

Back sa ABS-CBN si Lotlot de Leon after ng ilang regular TV series sa GMA 7.

Kasama siya sa Burado na pinagbibidahan nina Julia Montes at Nadine Lustre na nag-story conference na noong Monday.

Masaya si Lotlot dahil kasama rin niya sa series na ‘yon ang kapatid na si Matet de Leon.

Ang tagal na raw nilang hindi nagkatrabaho, kaya hindi na niya matandaan ang last project nila together.

Napag-usapan din namin ni Lotlot ang anak niyang si Janine Gutierrez na nasa New York ngayon para sa fashion week doon.

Ipinadala doon si Janine ng isang brand na ine-endorse niya.

Ang bongga ni Janine, sabi ko kay Lotlot. “Happy siya doon sa ginagawa niya. She enjoys that a lot. It’s a great experience for her!” sabi ni Lotlot tungkol sa anak.

Ang bongga nga ng mga pino-post ni Janine na pictures sa social media accounts niya.

Fashionistang-fashionista talaga ang batang aktres, huh!

‘Yun na!

RAYMOND GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with