Ysabel
Ysabel may mas ibubuga pa, kailangan lang bawasan ang hiya
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

Ano kaya ang kulang kay Ysabel Ortega? Maganda, mabait, mahusay sa acting, sayaw at kanta pero parang naging mabagal ang takbo ng career niya. 

High expectation nang lumipat siya from Star Magic to GMA Artists Center, na ang tunay naman dahilan eh favorite niya si Alden Richards na ngayon parang big brother na niya after gawin nila ang The Gift. 

Si Ysabel kasi ay sobrang mahiyain, nasa isang sulok lang at hindi tipo na chica-chika kaya siguro akala ng iba, aloof at suplada. Magalang na bata na very sweet ‘pag nakilala mo na, at sana nga maging jolly at outgoing para siguro magkaroon ng kon­ting fire ang personalidad.

Sayang ang young star na ito kung hindi magagamit ang potential. Sana nga matulungang mabuti ng Artists Center para yumabong ang career.

Actually, mas malaki ang chances niya to be bigger kung siguro magiging mas outgoing siya Show your best, Ysabel. Ipakita mo ang mga potentials mo.

Don’t be shy. Help her more, Artists Center, she is worth it. 

Boy gumawa ng perfume para sa nanay

Sa dami ng mga local perfumes na binibigay sa atin as giveaways tulad ng Aficionado, ’yung kay Myrtle, ang sa Beautederm, ang Scarlet cologne, isa ang tumatak sa isip ko, iyonng Red Rose ni Boy Abunda. 

Una kong naamoy ang rose scent na iyon sa nanay ni Alma Moreno, Tea Rose na wala na yata ngayon sa market. That time dahil medyo bata-bata pa ako, feel ko na parang pang matanda ang amoy. Pero now na almost 73 na ako ewan ko kung bakit type na type ko ang Red Rose Boy Abunda Perfume. Siguro iyon ang favorite ni Nay Lising ni Boy kaya iyon ng scent na pinili niya. Kasi hindi pang lalaki at very feminine ang amoy. Sure ako para sa mother niya ginawa iyon ni Boy Abunda na ang ganda ng packaging ha, parang Jo Malone. Grabe ang dami ng ginagawa niya ha, hosting, public speaking, talent management, endorsement at ngayon, meron pa siyang perfume. Pati lugawan dahil ini-endorse niya ang Goodah. Bongga talaga, ang dami na niyang datung, oras na lang kulang. 

Congrats Boy, love ko talaga Red Rose, wah eklay. 

Mga nagkakawanggawa bini-bless ni Lord 

Proud ako sa Mama Alice Eduar­do ko, Salve ha. Imagine mo, front page siya ng Philippine Star dahil siya ang sponsor sa pag-aayos ng lumang nurses dorm para maging half way house ng mga caregiver at kasama ng mga nagpapagamot na pasyente sa PGH. Parang iyon ChildHaus ni mama Ricky Reyes at Henry Sy na meron ding parang dorm para sa mga batang may cancer. 

Alam mo siguro nga, malaking kasiyahan sa mga taong tulad nila mama Alice Eduardo, mader Ricky Reyes at Henry Sy na makatulong sa mga taong kailangan ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit lalo pang dumarami ang blessing nila sa buhay, biyaya na rin na malusog sila at walang sakit, dahil nga sila ang mga angels ng mga maysakit. 

Sabi nga ni Steve Jobs, pag meron kang pera, lahat puwede mong ipagawa, hindi ka marunong mag-drive, kuha ka driver, ‘di marunong magluto, kuha ka ng cook pero pag maysakit ka, hindi ka puwedeng magbayad ng tao para ito na lang ang kumuha ng sakit mo. Pero pag mabait ka, si God ang bahala sa iyo. 

Bless you for helping out, mama Alice, mader Ricky and Papa Henry.

YSABEL ORTEGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with