^

Pang Movies

ABS-CBN mas dapat ilantad ang mga natulungan para makakuha ng maraming simpatya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naging mabilis din ang kilos ng ABS-CBN, matapos mag-file kamakalawa ng isang quo warranto petition ang Solicitor General na humihiling sa Korte Suprema na suspindihin na ang franchise ng network dahil sa ilang paglabag doon. Sinabi ni solicitor general na iyon ay isang “very urgent motion”.

Naging “very urgent” din ang kilos ng ABS-CBN. Bandang tanghali may mga nag-post sa social media na nananawagan sa mga tao na makilahok sa isang rally na gaganapin sa Boy Scout circle sa Tomas Morato Avenue. May sumipot namang ilang supporters ang ABS-CBN. Kasi nga hindi organized.

Kung doon mismo ay nakilahok ang kanilang mga artista, nanawagan sila sa fans, at iba pa nilang supporters, aba eh siguradong isang malaking grupo iyon at madarama ang kanilang protesta.

Mabilis din namang sinabi ng network na wala silang nilalabag na batas, kaya walang merit ang petisyon ng OSG. Pero iyan ay kailangang suportahan ng mga ebidensiya na ihaharap sa korte, wala naman kasi sa social media ang bakbakan eh. Usaping legal iyan.

Hindi rin naman masasabing mananaig ang OSG, dahil kailangang mag­harap sila ng mga ebidensiya ng mga sinasabi nilang violation ng ABS-CBN, dahil kung wala namang ebidensiya at puro sali-salita lang, aba eh ibabasura rin iyan ng korte kahit sinabi niyang urgent iyon.

Ang quo warranto, nasa korte na ang appreciation ng kasong iyan. Hindi rin naman dapat na maapektuhan ang kongreso. Mayroon pang dalawang linggo ang kongreso para maipasa ang isang batas na nagbibigay ng extention ng franchise ng ABS-CBN. Kung makakagawa sila ng batas at mailulusot iyon, bale wala na ang quo warranto dahil ang ibig sabihin noon kung nakagawa man ng mali ang ABS-CBN sa mga bagay na nakatalaga sa kanilang franchise, “condoned” na iyon, o pinatawad na ng Kongreso, at ang Kongreso ang may kapangyarihang gumawa ng batas. Ang korte ay “interpreter” lang ng batas. Ibig sabihin, mananaig ang desisyon ng Kongreso.

Ang problema, bakit nga ba hindi pa dinidinig ng kamara ang mga panukalang batas, eh mayroon na lang silang dalawang linggo para gawin iyon at maipasa sa senado.

Pagdating sa senado, pag-uusapan pa iyan. Kaya malamang sa hindi, aabutin talaga sila ng expiration ang franchise ng ABS-CBN March 30. Ganoon pa man, hindi basta matitigil ang broadcast ng ABS-CBN, maaari silang humingi ng “relief” at hilingin sa National Telecommunications Commission na bigyan sila ng provisional permit, habang hinihintay ang kanilang franchise.

Kung mauuna naman ang desisyon ng korte, at katigan nila ang quo warranto petition ng OSG, iyon ang pipigil sa NTC na magpalabas ng isang provisional permit, pero hindi noon mapipigil ang Kongreso kung sakali at maglabas sila ng batas na nag-e-extend ng franchise ng ABS-CBN. Maging si Presidente Rodrigo Duterte, hindi mapigil iyon. Maaari niyang i-veto sa una. Pero kung ibabalik sa kanyang muli at hindi niya pirmahan sa loob ng isang buwan, magkakabisa iyon bilang isang batas.

Walang duda na nananawagan ng simpatiya ang ABS-CBN. Pasimulan iyan ng mga artista nila, at iyong mga taong natulungan nila sa pamamagitan ng public service programs nila, baka sakali pa. Iyon kasi ang magpapatunay ng kanilang nagawang serbisyo sa publiko. At walang serbisyong maaaring mas maging mataas pa sa public service.

Iyong sinasabing kawawa ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN, wala iyon. Ang ilabas ninyo ay kung ano ang mawawala sa publiko oras na mawala kayo.

Ano ang naitulong ninyo sa mga biktima ng lindol, sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Corona Virus?

Iyong mga bagay na nagagawa sa publiko, iyan ang mas makakatawag ng simpatiya ng mga tao.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with