^

Pang Movies

Franchise ng Kapamilya, nanganib sa ginawa ng SolGen?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tumanggi nang magpa-interview sa media si Solicitor General Jose Calida at nagmamadaling umalis sa Korte Suprema dahil may iba pa raw siyang mahalagang lakad, matapos na mai-file ang isang quo warranto petition laban sa ABS-CBN. Hinihiling ni Calida na ipawalang bisa ang franchise ng network dahil diumano sa ilang paglabag noon.

Nauna riyan, sinabi rin niyang walang pakialam si Presidente Rodrigo Duterte sa kanyang iniharap na quo warranto petition dahil “hindi naman ugali ng pangulo na makialam sa ibang departamento”. Iyon diumano ay sariling initiative ng Solicitor General nang makita nila ang mga na­ging paglabag ng network sa kanilang franchise. Hindi na inisa-isa ni Calida ang sinasabi niyang paglabag, at ikinatuwirang nagmamadali na siya.

Noong nakaraang taon pa lumabas ang balita na maghahain nga ng quo warranto proceedings ang OSG laban sa ABS-CBN, pero kahapon nga lamang iniharap sa Korte Suprema. Sinasabing makakuha man ng bagong franchise ang ABS-CBN mula sa Kongreso, maaari pa ring ipatigil ang kanilang broadcast dahil sa kasong nasa Korte Suprema. Dahil din sa kaso, mukhang lumabong makakuha sila ng isang provisional permit kung sakali man at hindi umabot sa petsa ang bagong franchise nila mula sa kongreso.

May mga nag-aakusa naman kay Calida na ginagamit ang quo warranto para saklawan ang desisyon ng kongreso. Ganyan din ang nangyari sa pagpapatalsik kay dating chief justice Lourdes Sereno na sa halip na dumaan sa isang impeachment ay napatalsik na dahil sa quo warranto petition.

Ngayon din bago maaksiyunan ng Kongreso ang franchise ng ABS-CBN, mayroon nang quo warranto petition laban sa kanila dahil sa violation ng kanilang franchise.

Nasa Korte Suprema naman iyan kung ano ang magiging reaksiyon nila sa quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Pausong ‘split’ ng JaDine, kampo ni James ang may pakana?!

Nagkakahalataan na. Noong isang gabi ay sinasabing magkasama na namang nakita ang nagka-split na sina James Reid at Nadine Lustre na nakikipag-party sa mga kaibigan nila doon sa Revel. Sinasabi nga ng mga nakakita na mukhang hindi naman nag-split ang dalawa.

May lumalabas ngang usapan na hindi talaga sila nag-split, pero napagkasunduan na palabasin munang ganoon dahil apektado na ng loveteam nila ang kanilang career. Diumano nagsimula iyan sa kampo ni James na nagsabing dahil sa loveteam nila ni Nadine, wala nang ibang kumukuha sa kanya. Pumayag naman daw si Nadine sa split, sa usapang hindi naman iyon magtatagal at magkakasama pa rin sila sa mga private functions nila. Mapapalabas naman nilang nananatili silang magkaibigan.

Kaya nga ba kami ayaw naming pumatol sa mga kuwento niyang mga nagka-split kuno na ‘yan.

Pelikulang Darna at Penduko, may kakambal na malas?!

Nagkaroon daw ng slipped disc si Matteo Guidicelli habang nagti-training noong isang araw, kaya kailangan muna siyang magpahinga.

Kung natatandaan ninyo, napilay din ang balikat ni James Reid dahil sa pagpa-practice para sa action movie na gagawin sana niya noon, na ngayon ay naitoka na kay Matteo.

Mukhang may malas din ang nasabing proyekto dahil lahat ng piliin nila para gumanap ng title role nagkakaroon ng aksidente, at medyo kritikal nga para sa mga eksenang action. Parang iyong Darna rin dati na lahat ng artistang makuha nila napi­pilayan.

vuukle comment

JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with