Martin nag-volunteer maging dishwasher!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

Bibilib ka talaga sa ugali ng nag-iisang Concert King na si Martin Nievera, Ateng Salve!

Ang galing niyang makisama sa lahat ng mga katrabaho’t ka­kilala at kahit sa mga fan!

Noong Friday, soft opening ng Doon Thai restaurant ng StarMedia Entertainment producer na si Anna Puno sa Paseo de Magallanes Commercial Center sa may Makati City at bukod sa dumaan doon si Martin para magpakita ng support kay Anna, nag-entertain pa siya ng mga kumakain doon.

Nakipagtsikahan si Martin sa mga customer, kaya naman natuwa ang mga ito sa kanya.

Nang pumasok siya sa kusina at nakitang may mga hugasin, aba, tumulong pa siya sa paghuhugas, huh!

So, instant dishwasher pa si Martin na lalong ikinaaliw sa kanya ni Anna.

Ganyan kabait at walang kaere-ere si Martin, Ateng Salve, kaya alam mo na kung bakit love na love ko siya, huh!

Anyway, sa Friday na ang simula ng Two-ge­ther Again concert series nila ni Pops Fernandez sa The Theater at Solaire at tatagal ‘yon hanggang sa 21st (wala lang sila sa 16th).

Miho ayaw munang mag-lovelife

Matagal-tagal na ring walang project sa ABS-CBN ang PBB (Pinoy Big Brother) alumna na si Miho Nishida.

Mabuti na nga lang at may pakonti-konti siyang mga raket, kaya nakaka-survive siya at ang kanyang anak na si Aimi.

Single working mom si Miho, kaya ang wish niya ay magkatrabaho na uli sa Kapamilya network.

Suwerte naman dahil noong isang araw ay nagka-taping na siya for Maalaala Mo Kaya.

Siyempre, laking-tuwa ni Miho dahil aminado naman siya na nade-depress siya kapag walang regular work.

Sabi ng manager niyang si Therese Ramos, malamang na magka-series na rin si Miho.

Pagdating nga pala sa lovelife niya, zero raw ‘yon dahil gusto niya na mas mag-focus sa anak at sa career niya!                                                                                   

Concert nina Jed at Angeline sold out na agad

Bukas na ang Voices for Love sa Marriott Grand Ballroom na produced ni Annabelle Rama na pangungunahan nina Jed Madela at Angeline Quinto.

Noong weekend pa nag-post si Bisaya na sold out na ang tickets para sa nasabing pre-Valentine dinner concert. So, walang stress si Bisaya dahil lahat ng tables para sa nasabing event ay ok na.

Sabi ni Bisaya, kahit daw wala na siyang problema sa bagay na ‘yon, hindi puwedeng sitting-pretty na lang siya.

“Abala pa rin ang beauty ko sa show mismo dahil ako pa rin ang mamamahala sa entrance para maayos kung saan ang tamang table ng mga may hawak ng tickets,” sey niya.

Masaya si Bisaya kina Jed at Angeline, kaya nagpaplano pa siya ng isang show na kasama ang dalawang singers na super fave raw niya.

‘Yun na!

MARTIN NIEVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with