Policy sa mga worker ng showbiz, hinihintay kung susundin
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

Maganda ang collaboration sa bagong policy sa mga manggagawa ng pelikulang Pilipino nina FDCP Chair Liza Diño at Labor Sec. Bello ha.

Ang pagbibigay ng mga bagay na makakatulong sa trabaho ng nasa showbiz, ang oras at mga kundisyon kasama na ang talent fee.

Makikita mo talaga ang malasakit ni Chair Liza Diño sa mga taga-showbiz. Kaya lang ang nakakatakot, baka sa sobrang higpit sa oras at talent fee, ang gawin ng mga TV station, canned shows na lang ang bilhin o kaya naman, iyon mga homegrown talents na lang ang gamitin nila sa kanilang mga programa.

Well and good, pero pag ganun naman ang nangyari, baka mas konti pa ang maging trabaho sa movie industry.

Actually marami nang cost-cutting na nangyayari pero in the end, patuloy pa rin naman ang showbiz, hindi pa rin nahihinto. Matatag pa rin dahil nga ito ang libangan ng tao na hindi naman puwede basta burahin.

Siguro naman lahat ng pagbabago ay mapag-uusapan at hoping ako na magiging maayos ang bagong policy na ito na magiging proteksiyon din naman ng lahat ng manggagawa sa showbiz.

Bigla ko tuloy naalala ang suggestion ni Papa Albee Benitez na dapat iba ang tax sa local at fo­reign movies. Dapat daw mas mababa ang local at mas mataas sa foreign dahil international sila, iyong mga pelikula natin dito lang kikita at para makabawi, dapat liitan ang tax.

Hay naku, sana maging maganda ang resulta ng lahat para fore­ver masaya ang lahat.

There’s no business like showbusiness, ‘di ba Salve? 

Local stars na reservist na rin, kahanga-hanga!

Kahanga-hanga talaga ang mga star natin na nag-training at ngayon ay reservist na sa army, navy at marines. Ilan sa mga ito ay sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Gerald Anderson, Rocco Nacino at Matteo Guidicelli na machong-macho kapag suot ang kanilang mga uniform.

Pakiramdam ko ‘yung training na ginawa nila, nakatulong ng malaki hindi lang physically kundi maging sa love nila sa bayan natin. Ang disiplina na nakuha nila sa training ay malaki rin ang maitutulong sa kanilang career dahil alam nila ang disiplina ng oras sa isang militar.

Ang guwapo pa naman nila ‘pag naka-uniform kaya bagay na bagay sa kanila na maging reservist.

Kung puwede nga, sana tulad sa Korea maging mandatory ang training sa militar, baka nabawasan pa mga kabataan natin na may bisyo.

Ewan ko ba, ganun kalaki talaga ang respeto na dala ng military uniform kaya nagkakaroon ka ng sense of duty and responsibility. Salute!

LIZA DIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with