Sarah
Sarah kayang ayusan ang sarili kahit walang makeup artist!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 10, 2020 - 12:00am

Ateng Salve, paano kung may pictorial ka at biglang nagkaroon ng emergency ang make-up artist mo?

Can you survive na ikaw na lang mag-make-up sa sarili mo?

Kahapon, na-realized ko na kapag artista ka, iba rin kapag marunong kang mag-make-up sa sarili mo.

Take the case of Sarah Lahbati.

Kahapon ay kausap ko siya bago pa mag-5:00AM. May pictorial kasi sila ni Richard Gutierrez sa Anilao, Batangas ng 7:00AM for their wedding.

Kaso, noon lang niya nalaman na ang make-up artist na gagawa sa kanya ay nagka-medical emergency at kailangang ma-confine sa hospital.

No time na para maghanap ng kapalit, kaya imbes na i-pack-up ang pictorial na ‘yon, nagdesisyon si Sarah na siya na lang ang magme-make-up sa sarili.

Mabuti na lang at marunong siyang mag-make-up.

Nang bandang 9:00AM ay kinumusta ko ang pictorial nila ni Richard at ok naman daw. 

Pinadalhan pa nga ako ni Sarah ng picture at ok naman ang make-up niya sa sarili. Beautiful pa rin ang soon-to-be bride.

Sharing ‘yung picture na pinadala sa akin ni Sarah and in fairness, magaling siyang mag-make-up, huh!

Solenn, pro makeup artista ng mga sikat bago nag-artista

Si Solenn Heussaff ang isa sa mga artistang magaling ding mag-make-up.

Make-up artist talaga noong araw si Solenn.

In fairness, kahit mayaman sila, dahil sa hilig at galing ni Solenn na mag-make-up, naging professional make-up artist muna siya bago naging celebrity contestant sa Survivors Philippines ng GMA 7.

Bale sa The Buzz noon, mga 2007, si Solenn ang madalas na mag-make-up kay Ruffa Gutierrez.

Doon ko nga unang nakilala si Solenn.

May mga pagkakataon din na nagme-make-up siya kina Richard at Raymond Gutierrez.

Noong full-pledge artista at singer na si Solenn, may mga pagkakataon na mine-make-up-an pa rin niya ang ilang celebrity-friends niya.

Ang galing mag-make-up ni Solenn, kaya madalas na siya lang daw ang nagmi-make-up sa sarili!

Regine, gifted din sa pagmi-make up!

Of course, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid does her own make-up din.

May hairstylist lang si Regine at siya na ang bahala sa kanyang mukha.

Even sa big events, like concerts, si Regine pa rin ang nagme-make-up sa sarili.

Sa The Iconic concert nga nila ni Sharon Cuneta, si Regine pa rin ang nag-make-up sa sarili.

Sa shows abroad nga, walang bitbit na make-up artist si Regine.

Ang nakakatuwa nga kapag pareho silang nasa abroad ng mister na si Ogie Alcasid, si Regine ang nagme-make-up sa singer/songwriter.

Ang bongga!

‘Yun na!

SARAH LAHBATI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with