^
Alden pinagdududahang photoshopped ang abs!

Alden pinagdududahang photoshopped ang abs!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 9, 2020 - 12:00am

Totoo ang tsika na ang Viva Artists Agency ang nagsara ng Century Tuna ad nina Alden Richards at Nadine Lustre dahil naka-post sa IG ng VAA ang photo nina Alden at Nadine. 

Ganu’n pa rin, may mga na-curious kung bakit nasa VAA IG ang picture ni Alden at inakalang lumipat na ng management ang actor. ‘Yun pala, ang VAA ang nagsara ng negosasyon.

May mga nag-aakala pa ring edited ang photo ni Alden na may abs sa TVC at print ad ng nasabing canned tuna at ang payo ng fans ni Alden, watch the TVC at i-check din ang IG ni Alden na may photo siyang shirtless at kita ang abs.

Sayang lang at sa mediacon ng Centerstage, hindi maipakita ni Alden sa press ang abs niya. Hintayin na lang daw ang reveal sa April at doon niya ipapakita ang kanyang abs.

Sa February 16, 7:40pm., naman ang pilot ng Centerstage na first time makakatrabaho ni Pops Fernandez si Alden. Wala pa rin daw ipinagbago ang aktor mula nang una niyang ma-meet. Mabait pa rin at simple, hindi yumabang kahit ang layo na ng narating sa showbiz.

Renz at Andre mabilis naging close

Parehong doctor ang role nina Renz Fernandez at Andre Paras sa Descendants of the Sun, bilang sina Dr. Earl Jimeno at Dr. Ralph Vergara respectively. Member sila ng medical team na pinamumunuan ni Jennylyn Mercado as Dr. Maxine dela Cruz. Kaya, madalas magkasama sina Renz at Andre na mabilis naging close dahil pareho ang ugali.

Sabi ni Andre, ang members ng medical team ang parang comic relief ng DOTS dahil light ang mga eksena nila at magpapatawa. Walang love interest si Andre, pero si Renz, ang love interest ay si Chariz Solomon na isa ring komedyante.

Sa February 10, Monday na ang world premiere ng DOTS after Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa direction ni Dominic Zapata.

VIVA ARTISTS AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with