^

Pang Movies

Mariel may liwanag na ang career sa NY

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mariel may liwanag na ang career sa NY

Natuwa naman ako Salve sa nabalitaan ko na nakasali sa New York Fashion Week si Mariel de Leon.

At least ‘yung pagtitiyaga niya sa New York para sa kanyang dream na maging model, nakaka­kita na ngayon ng liwanag.

Kasama siya sa mga modelo ni Kim Karda­shian at sa nakita kong picture niya ibang-iba na ang aura ni Mariel.

Noon pa mas gusto ni Mariel ang maging model at mabuti na lang at sa Amerika din nag-migrate ang kapatid niyang si Gabriel kaya kahit paano, meron siyang kasama doon.

Iyon last trip nga ni Sandy Andolong ay nagtagal na siya sa mga anak sa abroad para sabihin na pagod na siya sa biyahe kaya next time, sila na ang dadalaw dito para makita sila ni Christopher.

Lumaking mababait ang mga anak nina Sandy at Boyet at independent kaya tiwala sila  na saan man makarating sure na maalagaan nila ang sarili.

Good luck kay Mariel, talagang pang-New York ang beauty niya.

Sure ako proud na proud sina Boyet at Sandy. 

Kris at Jinggoy hindi matatawaran ang kabaitan

Birthday month din nila Kris Aquino at Jinggoy Estrada ang month of February.

Buwan ng mga puso ito kaya heart ang lagi mong matatandaang sign ng February.

At bagay na bagay ito kina Kris at Jinggoy. Pareho silang mabait at open ang puso ng dalawang ito sa pagtulong at pareho rin dependable friends pag kaibigan mo sila.

Grabe ang pagmamahal nina Rudy Fernandez at Bong Revilla, Jr. kay Jinggoy. More than friends ang naging samahan nilang tatlo. At doon ko nakita how lovable and loyal si Jinggoy sa mga kaibigan niya.

Siguro naging double torture sa kanila ang Crame kundi sila magkasama ni Bong doon.

Dahil nga ganun sila ka-close naging mas bonded pa sila sa loob ng mahigit na apat na taon sa Custodial Center ng PNP. Doon ko rin nakita kung paano mag-alaga ng kaibigan si Jinggoy. At humanga ako sa labis niyang kabaitan. Pareho rin sila ni Kris na sumpungin pero madaling mawala iyong mga tampo. Sweetness overload sila pag mahal nila ang tao, at sour at bitter pag hindi nila gusto, hah hah.

Dahil nga nakita ko na parehong sumpungin ang dalawa madalas kong biruin noon na bagay sila at tawa nang tawa si Kris habang naiirita si Jinggoy.

Happy happy birthday Kris and Jinggoy, may you always have peace in your hearts, and all your dreams come true.

Mabait kayong tao at deserving sa lahat ng blessings. So lucky to have met you in my life, I love you and always will. 

vuukle comment

MARIEL DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with