^

Pang Movies

Marcelito nanikip ang dibdib bago napasama sa grand finals ng AGT

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marcelito nanikip ang dibdib bago napasama sa grand finals ng AGT
Marcelito

Dapat mag-ingat sa coronavirus

Nakaranas pala ng paninikip ng dibdib si Marcelito Pomoy bago siya sumalang sa semi-finals ng America’s Got Talent at makapasok sa grand finals nito.

Kuwento niya kay MJ Felipe ng ABS-CBN.com, “Pangalawang sukat ko pa lang hindi na ako agad nakatayo kasi parang hindi ko alam nangyari sa dibdib ko, sobrang sakit talaga. Sabi ko sa asawa ko hindi ako makagalaw, unti-unti kong ginalaw siya pero masakit talaga,” kuwento ng singer na  nagbalik ng Pilipinas kahapon.

Pero sinabi naman daw sa kanyang baka muscle spasm lang.

Kaya aminado siyang hindi niya naibigay ang 100 percent niya sa nasabing performance na naglagay sa kanya sa grand finals.

 Pero ang isang ingatan sana ni Pomoy ay ang novel coronavirus.

Baka naman sa kakabiyahe niya ay humina ang immune system niya at kapitan siya ng sakit.

Bakit nga ba kailangan niya pang umuwi ng Pilipinas?

Tatay ni Yassi namatay, 90 years old

Dumagsa na ang pakikiramay sa magkapatid na Yassi and Issa Pressman sa pagkamatay ng 90-year old nilang British father.

Tanging si Issa lang ang nag-post ng tungkol sa pagpanaw ng kanilang ama : “If you met my father, I bet he made you smile or laugh once if not more. He was charming, always smiling, and had a great sense of humour. He always saw the brighter side of things, no matter the situation. No wonder why you lived such a great and long life, you were always so positive. You were a happy ball energy Papa. Loving you, Your baby,” post ni Issa.

Si Yassi ay tahimik pa sa pagluluksa.

Sikat na book author naudlot ang biyahe sa Pilipinas

Ay hindi na rin matutuloy ang pamamasyal sa bansa ng sikat na book author na si Mitch Alboom dahil pa rin sa kumalakat na novel coronavirus.

Kabilang sa mga sikat na libro ni Alboom ang Tuesdays with Morrie, The Five People You Meet In Heaven at marami pang iba.

Talagang matindi na ang nararamdamang takot ng lahat sa coronavirus dahil sa pagrami ng nabibiktima nito sa buong mundo.

vuukle comment

MARCELITO POMOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with