Erwan, Anne
Erwan inaasahang magiging modern daddy na rin
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 7, 2020 - 12:00am

Natawa ako sa headline ng PM (Pang Masa) Salve ha about Erwan Heussaff.

Na icky siya nang makita ang poo poo ng anak nina Nico at Solenn Bolzico.

Hahaha.

To think na magkakaroon na rin sila ng baby ni Anne Curtis.

Pero ganyan lang naman ‘yan pag sa iba, parang hindi mo matanggap pero pag sa iyo na nangyari, imposibleng mandiri si Erwan sa poo poo ng magiging anak nila ni Anne na sigurado akong lalabas na napaka-cute na baby girl.

Cute na cute ako sa ginagawa ngayon ng mga modern daddy na sila mismo ang nag-aalaga ng mga baby nila.

Nakita natin Salve si Dingdong Dantes na hands on kay Zia noong nasa Paris tayo sa kasal nina Hayden at Dra. Vicki Belo.

Sure ako pag naging daddy si Derek Ramsay sa anak nila ni Andrea Torres ay hands on din iyan dahil ito na ang uso ngayon at nakakatuwa dahil kita mo how they care for their babies.

Bongga, ang cute at mga poging daddy, ‘di ba!

Teka kelan nga kaya magi­ging daddy si Derek sa magi­ging baby nila ni Andrea?

Pero teka, pakasal muna sila dapat noh.

Ang GMA, binigay na kay Alden

Sana magustuhan ng lahat ang singing contest na Centerstage. Bagay na bagay ang show na ito kay Alden Richards at sarap mapanood uli si Pops Fernandez bilang isa sa judges.

Iyon pagsasama nila ay isa nang malaking event kaya naman excited ang marami.

Iyon ang magandang ginagawa ng GMA kay Alden, dini-develop talaga nilang well-rounded ang personalidad ni Alden, lahat ng facet sa showbiz ay hinahasa siya – acting, hosting, singing, dancing, lahat talaga, kaya isang complete package si Alden.

Bongga talaga, alagang-alaga, Kapusong-Kapuso. Hahaha, biruan nga na ang A sa GMA ay Alden.

Bakit hindi, eh ang bait ni Alden at loyal na loyal sa GMA 7.

Go Alden, always be on Centerstage. 

ERWAN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with