ABS-CBN shows abroad, kanselado lahat
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 7, 2020 - 12:00am

Wow, Ateng Salve, nagpatawag pala ng meeting ang ABS-CBN sa mga namamahala ng shows at events nila abroad.

Dahil sa lumalalang problema sa Novel Coronavirus, nag-decide ang Kapamilya network management na kanselahin muna ang shows, events at tapings nila abroad.

Bale ang maaapektuhan na schedule ay ‘yung from February to April.

Mandatory nga raw na i-postpone muna ang lahat ng shows, events at tapings na kasama sana ang stars and singers nila.

Concerned daw ang top management sa  safety ng kanilang stars, singers at employees na pupunta sa abroad dahil baka ma-stranded pa sila kung magkakaroon ng flight cancelations, delays o kung kailangan ma-quarantine ‘yung mga pupunta doon at maaabala naman ang ibang mga schedule ng mga ‘yon dito.

Maganda ang move na ito ng ABS-CBN management para sa kanilang stars, singers and employees.

So, wala munang TFC (The Filipino Channel) events na sasalihan ng mga manggagaling dito sa Philippines.

‘Yung mga naka-schedule raw sa May ay hihintayin muna ang advice ng kanilang Company Safety and Security Division advice kung puwede nilang ituloy.

Magdedepende ‘yon kung maaagapan na kaagad ang Novel Coronavirus.

Kung ang ABS-CBN ay may ganyang move, paano kaya ang promoters and producers ng ibang shows sa abroad na tatampukan ng ilang big stars and singers natin?

Magkaroon din kaya ng postponement?

Well..

Sharon tumutulong sa promo ng mga Valentine concert

Nakakatuwa si Sharon Cuneta dahil panay ang promote niya sa social media ng ilang shows na magaganap ngayong February.

Ang bongga ng pakikisama ng Megastar sa kapwa niya Pinoy artists!

Ang ilan sa mga prinomote ni Sharon sa kanyang Instagram account ay ang Two-gether concert series nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa The Theater at Solaire, ang Unified nina Regine Velasquez-Alcasid at Light and Love nina Basil Valdez at Jamie Rivera.

At least, hindi maramot si Sharon sa pagpo-promote ng shows ng iba, huh!

Nice!

‘Yun na!

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with