^

Pang Movies

Fan meetings, shooting, kanselado sa coronavirus

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hindi na rin matutuloy ang pagdating sa bansa ng sikat na K pop group na EXO para sa event ng isang cosmetic brand dahil pa rin sa coronavirus.

Nauna nang nag-cancel ng fan meeting sa Pilipinas ng lead stars ng To All The Boys na sina Noah Centineo and Lana Condor.

Hindi rin natuloy ang biyahe nina Coco Martin and Angelica Panganiban sa Dubai para sa pelikula nila dahil din sa coronavirus.

Patuloy ang pagkalat ng nasabing virus kaya marami na ang takot na lumabas ng bansa sa kasalukuyan.

ABS-CBN at GMA, naglabas ng resulta sa bagong dekada

Bongga, parehong number 1 sa survey ang ABS-CBN at GMA 7 sa pagpasok ng bagong dekada.

Ayon sa ABS-CBN maganda ang simula ng bagong dekada para sa kanila dahil patuloy pa ring tinatangkilik ng sambayanan sa paghahatid nila ng makabuluhang mga programa sa telebisyon sa kabila ng bantang pagpapasara sa network matapos nitong magkamit sa datos ng Kantar Media ang average audience share na 38%, laban sa 32% ng GMA.

Nangunguna pa rin diumano sa listahan ng Kantar ang FPJ’s Ang Probinsyano (30.3%), habang pasok na agad sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa ang teleserye ng LizQuen na Make it With You  (27.5%). Tinutukan naman ang pagtatapos ng Starla (27%) sa primetime ayon pa rin sa Kantar.

At ganito rin ang statement ng GMA 7. Maganda rin daw ang pasok ng taong 2020 sa kanilang network dahil bukod sa ngayong taon ang selebrasyon ng 70th anniversary nila, muli rin daw nilang nasungkit ang pagiging number one sa nationwide TV ratings sa pagtatapos ng Enero. Ayon sa natanggap kong latest data ng Nielsen para sa unang buwan ng taon, naghari ang GMA sa National Urban Television Audience Measurement o NUTAM matapos nitong magtala ng 34.7 percent average total day people audience share. Pinataob diumano nito ang 31.7 percent ng ABS-CBN.

vuukle comment

EXO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with