Maine, Arjo
Maine bagay na bagay maging Atayde!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 6, 2020 - 12:00am

Alam mo ba Salve na natutuwa ako sa pagi­ging open ni Maine Mendoza sa relationship niya sa pamilya ni Arjo Atayde.

Na trying siya na maging close sa mommy Sylvia Sanchez at mga kapatid ni Arjo, kaya kahit may mga nega ay wala silang magawa dahil kung ano ang gusto ni Maine ay iyon ang gagawin niya.

Good for her. Hindi siya pumapayag na diktahan lalo na pagdating sa lovelife niya. 

Good for Maine na honest siya sa feelings niya. Kaya tingnan mo, happy na siya at wala namang nasira sa trabaho niya at popularidad.

Kung Maine Mendoza siya noon, hanggang ngayon andun pa rin siya at happy pa.

Magandang addition sa pamilya Atayde si Maine dahil ngayon pa lang sweet at close sila.

So ‘yung mga nega, hayun, nega na lang ang puwedeng gawin.

Pathetic losers. Hindi kasi tanggapin na may sariling mga buhay ang mga idol nila at hindi puwede na sundin ang gusto nila.

Kasi naman, dapat manood lang huwag makialam ‘di ba?

Bahala kayo sa buhay n’yo.

Supplement ni Raffy Tulfo, parang mabisa!

Sana nga gumaling ako sa ProMag 300  dahil according to mother Ricky Reyes, ang ganda raw ng nagagawa nito sa katawan.

Ang magnesium daw ang madalas kulang sa mga dapat ay nutrients sa ating katawan, kaya kung anu-anong sakit ang dumarapo sa atin.

Ayon naman kay Atty. Ferdie Villamor na siyang nag-introduce nito kay mother Ricky Reyes tahimik lang ang kanilang campaign for the medicine/supplement dahil nga mas gusto nila na from the mouth of the users na nagamot nito manggaling ang endorsement.

Isa pa sa mga totally naniniwala dito si papa Raffy Tulfo na isa sa number one user nito.

‘It takes time to save time’

Kung iyon iba kung cost cutting ginagawa, ako time cutting hah hah. Alam mo ba na maganda din naging resulta na hindi ko na driver si JR. Kasi noon may permanent driver ako, kahit hindi importante lumalabas ako. Kasi nga, at your beck and call at nandiyan lang iyon car, so alis ka nang alis ng bahay. Now compressed ko sa dalawang araw ang mga kailangan kong gawin, may temporary driver ako, tapos pag medyo may biglaang meeting, tinatawagan ko iyon dating doorman ni Bambbi Fuentes na si Boyet, or kung minsan hinihiram ko iyon driver ni Gorgy Rula na si Tony.

So to sum up, marami na akong oras ng pahinga, at hindi tulad ng dati na akala mo stressed out ka sa rami nang ginagawa. Ayoko nang magkaroon ng permanent driver, dahil at least naging maganda na iyon memory ni JR at ayokong bigyan pa second chance na baka pag nagkamali uli mauwi pa sa galit iyon feeling ko sa kanya.

Iyon pala ang dapat mong ingatan pag binigyan ka ng another chance, iyon baka maganda na ang paghihiwalay n’yo, maging mas masama pa pag nagkasama kayo ulit. Basta now, sa lahat ng nagaganap, hindi na lang cost cutting ang dapat ginagawa mo, mas importante iyon lahat oras mo makabuluhan, dahil iyon oras hindi na puwedeng ibalik, pag nagdaan na, babu na.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with