Marco, Lovi at Tony
Lovi, Marco at Tony may espadahan ng dila sa pelikula!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 6, 2020 - 12:00am

Bongga ang revelation ni Direk Joel Lamangan na parehong dila sa dila ang love scenes ni Lovi Poe sa leading men ng dalaga sa Hindi Tayo Pwede, kina Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Kung noong araw na uso ang bold films, baka ginawang Dila sa Dila na ang title ng nasabing Viva Films movie ni Lovi na showing na on March 4.

Saka, Ateng Salve, buti na lang at pare-parehong hindi bastusin ang dating nina Lovi, Marco at Tony, kaya kahit pa may espadahan ng kanilang mga dila, hindi pa rin malaswa ang mapapanood sa Hindi Tayo Pwede.

Kilala nga pala sa pagiging strict sa mga artista niya pagdating sa kanilang mga eksena si Direk Joel, kaya ang feeling ko, bumigay talaga ang tatlo niyang artista sa Hindi Tayo Pwede dahil hindi pwede sa batikang direktor ang basta-bastang love scenes lang, huh!

Mabuti na lang at Hollywood producer ang boyfriend ni Lovi na si Montgomery Blencowe kaya sa tingin ko ay hindi ito magre-react negatively sa “pakiki-espadahan” ng sexy actress sa leading men nito sa Hindi Tayo Pwede, ‘noh?!

Martin napaligaya nina Ogie at Regine

Kahapon ay ka-text ko si Ogie Alcasid.

Natuwa siya nang malamang sobrang na-appreciate ni Martin Nievera ang paghahanda nila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid para sa birthday salubong sa Concert Queen noong Tuesday night.

“Yes we love him. I am glad that he enjoyed,” sey ni Ogie tungkol sa event for Martin na ginanap sa kanilang bahay sa Quezon City na pinuntahan ng mga kasamahan nila sa ASAP Natin ‘To.

Samantala, natuwa ang cast ng Pakboys na sina Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla, Jerald Napoles at Nathalie Hart nang dumalaw kahapon si Ogie sa kanilang shooting.

Parang kapatid na ang turingan nina Ogie at Janno.

Masaya si Ogie na sunud-sunod na naman ang trabaho ng kanyang kumpareng Janno!

Joshua at Janella puwede nang umamin!

Ano pa kaya ang hinihintay nina Joshua Garcia at Janella Salvador bago aminin ang pinagdududahang relasyon nila?

Second week na naman ng Block Z movie ni Joshua at ex-girlfriend na si Julia Barretto at hindi nga naging blockbuster ‘yon, kaya sabi ng mga tsismoso’t tsismosa, puwede na raw umamin sina Joshua at Janella.

O hihintayin muna nila ang next project nila after ng nagtapos na teleserye nila, ang The Killer Bride?

‘Yun na!

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with