^

Pang Movies

Kelan pa? Franchise ng Abs wala pa ring naka-set na hearing!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kelan pa? Franchise ng Abs wala pa ring naka-set na hearing!

Tumitindi nga ang panawagan sa pag-renew ng franchise ng ABS-CBN, lalo pa ngayon na nakiisa ang Kapamilya fans, grupo ng international journalists, at ilang mga kongresista sa paghiling sa pamunuan ng Kamara na bigyang prayoridad ang franchise bill ng kompanya.

Nakisama ang myembro ng fan groups na Laban Kapamilya at Kapamilya Online Community sa pagdeklara ng suporta sa prangkisa ng ABS-CBN, kasunod ng pag-anunsyo ng apila sa Kongreso ng ilang personalidad mula sa industriya, tulad nina Coco Martin, Joel Lamangan, at Ricky Lee ng Artists Task Force Chacha.

Nakibahagi ang nasabing fan groups sa silent protest kasama ang National Union of Journalists (NUJP), College Editors Guild of the Philippines, at Defend Job Philippines na ginanap sa labas ng ABS-CBN compound noong Biyernes.

Isang grupo naman ng international journalists na naka-base sa Paris ang nagpahayag din ng kanilang suporta sa ABS-CBN. Nanawagan ang Reporters Without Borders (RSF) sa Philippine Congress na siguraduhin ang survival ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-renew sa prangkisa nito.

Hiling ng grupo sa chairman ng House committee on legislative franchises na si Rep. Franz Alvarez na isama na sa agenda ang franchise renewal ng ABS-CBN. 

May siyam na bills na ang naisumite sa Kongreso na naglalayong ma-renew ang broadcast franchise ng kompanya. Nag-file rin si Rep. Edcel Lagman ng resolusyon na humihiling sa House committee na dinigin na “without delay” ang sama-samang franchise bills sa plenary.

Subalit ayon sa Bayan Muna representatives na sina Carlos Zarate at Ferdinand Gaite, hindi pa nakapag-set ng hearing si Rep. Alvarez hanggang ngayon sa kabila ng nalalapit na Lenten adjournment ng Kongreso sa Marso 14.

Hiling ni Zarate sa House Speaker at kay Alvarez na makapag-set na ng hearing sa susunod na linggo dahil sa nalalabing oras sa Kamara.

Kaya naman talagang, pinakahihintay na kung kailan nga ba magkakaroon ng hearing sa franchise ng network na nakatakdang ma-expire sa March 2020.

James umaming mas kailangan ang career kesa kay Nadine?!

Hindi na nag-elaborate si James Reid pero gets ng fans na kailangan niya rin namang magka-career more than love base sa interview niya sa Mega Man. Pahayag niya kasi : “People might say I’m a bit heartless. I don’t want it to seem like me wanting to know who I am without Nadine is the only reason. There are too many to point out, but that’s all I’m able to share without going into depth.” 

Dagdag niya pa na mahal pa niya ang actress pero lumawak na raw ang pananaw niya sa pagmamahal. “I still love her. It’s just my perspective on love has broadened.”

Balik-teleserye si James sa The Soulmate Project with Nancy of Momoland.

Umaapaw ang chemistry nila habang si Nadine ay sinabi rin sa interview ng Mega na gusto niyang makilala hindi lang basta si Nadine sa showbiz pero gusto raw niyang makilala as a brand at more on singing siya ngayong 2020.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with