_pang-masa
^

Pang Movies

‘Genie-nga’ sa Showtime, napapansin na!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
âGenie-ngaâ sa Showtime, napapansin na!
Christine

Ang laki na ng mga papremyo sa segment ng It’s Showtime na Piling Lucky hosted by Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Amy Perez.

Hindi matyempuhan ng contestants ang P600,000! Parang pinahihirapan talaga ang mga contestant, at hindi basta-basta ipamimigay.

Pinatatagal ni Vice Ganda at paulit-ulit ang pagtatanong sa contestants sa items na napili nila. Suwertihan lang talaga, tulad noong nakaraang Sabado. Ang tagal ng proseso pero waley naman nangyari, humaba lang ang programa.

Mailap talaga ang suwerte.

Samantala, trending naman ang dalagang mas kilala bilang ang babaeng laging pasok sa banga at may mahiwagang hininga, si Christine Samson.

Nagkalat sa iba’t ibang social networking sites ang mga larawan ng dalaga kung saan maraming home viewers at netizens ang humanga sa kanya.

Bukod sa napakaganda, itong si Genie nga pala’y isang commercial model at event host. Graduate siya sa kursong broadcasting sa Bulacan State University. Umani siya ng maraming papuri sa mga Instagram post niya na halos lahat ay may 40,000 likes pataas! Bongga!

Sen. Bong parang ibong nakalaya

Masayang-masaya si Sen. Bong Revilla at feel na feel mo na para siyang ibon na nakalaya at lumipad pagkatapos ng mga nangyari sa buhay niya, lalo na noong nakakulong siya sa Camp Crame.

Kinaiinggitan kasi siya noon dahil sikat siya at malakas sila sa tao, sila ni Sen. Jinggoy Estrada. Kaya nang malaman siguro ng mga kalaban niya sa pulitika na may balak siyang kumandidato bilang pangulo, gumawa sila ng paraan upang hadlangan si Sen. Bong.

Anyways, balik na sa senate si Sen. Bong. Very proud si Sen. Bong sa may bahay niyang si Mayor Lani Mercado, ang masipag na Mayor ng Bacoor, Cavite.

CHRISTINE SAMSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with