Aktres na dating parang pagong ang kilos, nakabawi na sa pagiging gastador noon
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

Natutuwa ako para sa prime actress na ito na noong kabataan niya at talagang sobra siyang sumikat ay aminadong halos walang naipon.

Magastos kasi si prime actress. Magastos din ang mga taong nakapalibot sa kanya.

Dahilan para pati ang naipundar niyang bahay noon ay nabenta niya.

Pero kung noon ay palaging natsitsismis na naghihirap si prime actress, ngayon ay nabago na ‘yon.

Natuto na kasi siya sa buhay.

Sa tulong ng boyfriend niya ngayon, kalahati ng kinikita ni prime actress ay napupunta sa savings.

Hindi na rin siya katulad noon na gastadora.

Noong araw kasi, hindi pa niya nakukuha ang talent fees niya ay iniisip na niya kung ano ang mga bagay na bibilhin niya, kaya palagi siyang walang pera.

Ngayon, tumutulong man si prime actress sa mga kamag-anak niya, nagtatabi na siya para sa kung tawagin ay “tagtuyot”.

Suwerte rin si prime actress dahil sunud-sunod ang trabaho niya ngayon, kaya malaki na uli ang savings niya na ikinatutuwa ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Ang sipag-sipag na rin kasi ni prime actress ngayon and gone are the days na para siyang pagong sa kabagalan.

Ay, parang super given ang clue.

‘Yun na!

Ruffa namroblema sa special screening ng Love Thy Woman!

Hahaha!

Natawa talaga ako, Ateng Salve, sa big problem kahapon ni Ruffa Gutierrez.

Talagang problematic siya.

Pero nakakaaliw ang problem niya, huh!

Text niya sa akin, “My gosh, I requested for 40 tickets to the special screening of Love Thy Woman. I was only given 10.

“So I had to disinvite people. That’s tomorrow na in Trinoma.”

O, ‘di ba, talagang ‘yon ang sobrang pinuproblema ni Ruffa kahapon. Naaliw lang ako dahil kailangan niyang isipin mabuti kung sino ang sasabihan niya na huwag na lang mag-attend muna.

Ang suggestion ko naman kay Ruffa, magpa-screening na lang siya ng sarili niya kapag pumasok na sa nasabing afternoon series ang character niya na si Amanda del Mundo at saka na niya imbitahan uli ‘yung 30 na hindi niya maisasama bukas para solved na ang problem niya.

Hehehe!

Surprise ng British BF ni Lovi, inaabangan!

Next month na pala ipapalabas ang Hindi Tayo Puwede movie ni Lovi Poe under Viva Films, kaya naman sa pasasalamat ng manager niyang si Leo Dominguez sa entertainment press na nag-attend sa pa-surprise advance birthday party na ibinigay niya sa dalaga ay ipinakiusap niya na suportahan naman ang pelikula ni Lovi.

Kasama ng actress sa Hindi Tayo Puwede sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

So, raratsada na naman si Lovi sa promotions.

I just wonder — makakapag-birthday break kaya siya next week?

Sa February 11 ang birthday ni Lovi at aabangan ko ang pa-surprise naman sa kanya ng Hollywood producer-boyfriend niya na si Montgomery Blencowe.

Going back to Lovi’s surprise advance birthday party na ibinigay ni Leo, nakakatuwa na kahit biglaan ‘yon ay nakarating ang sister niya sa father side (ang yumaong the great Fernando Poe, Jr.) si Senator Grace Poe.

Talagang close na close na ang magkapatid.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with