^

Pang Movies

Ellen balik sa pagiging party girl!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ellen balik sa pagiging party girl!

Enjoy-enjoy ngayon si Ellen Adarna bilang single mother.

Sa latest post sa Instagram, nanood siya ng concert sa Cebu ng foreign band na LANY. Kasama niya ang ilang non-showbiz friends na babae at lalaki. Eh bago inagaw ng showbiz, enjoy si Ellen bilang dalaga na isang party girl.

Eh sa mga nakaraang post habang nasa Switzerland, ang mantra niya this year ay, “Keep going!”

After manood ng concert, nagkaroon sila ng nightcap. Sa location ng IG pic, nakalagay ang SM Seaside City Cebu at may bottles of wine silang tila pinagsaluhan.

Eh di ba, nabalita na meron na raw non-showbiz guy na dine-date si Ellen na siya mismo ang naglantad sa social media?

Alden Inilihim ang pagbisita sa fan na naka-coma

Ibinisto ng netizen na si Mommy Jojie ang pagdalaw ni Alden Ri­chards sa batang si Chuchay na ilang linggo nang coma.

May kuha ang netizen ng litrato ni Alden habang nasa tabi ng batang nasa hospital.

“God bless you more @aldenrichards02. Thank you for giving in to his request kahit pagod ka.

“Praying for your healing Chuchay. God loves you,” tweet ni Mommy Jovie.

Si Chuchay ay anak ng co-church member ng isang Mommy Nor. Pinasalamatan din niya ang pagbisita ni Alden.

Walang kinalaman ang Asia’s Multimedia Star sa lumabas na litrato ng pagdalaw niya. Kahit abala sa trabaho, naglalaan ng oras si Alden dahil pagdating sa mga bata eh, malapit siya sa mga ito.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with