^

Pang Movies

Ronnie at Loisa sanay sa halikan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ronnie at Loisa sanay sa halikan

Did you know Salve A., na naging housemate sina Joshua Garcia at Loisa Andalio sa Pinoy Big Brother noong 2014?

Almost of the same age then (16 something), most everyone predicted na magiging magka-loveteam sila, lalo pa nga when they were teamed up in the series, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? which starred Vina Morales, Christian Vasquez at Denise Laurel.

But as we all know, kay Julia Barretto nareto si Joshua. Si Loisa naman ay naging boyfriend na si Ronnie Alonte. Naghiwalay sila noong una, pero ngayong nagkabalikan na sila, tatlong taon na silang masaya sa isa’t isa. Katunayan pa nga niyan ay magtatambal sila ngayon sa pelikulang James And Pat And Dave under Star Cinema with Donny Pangilinan.

May kissing scene sila sa nasabing pelikula, pero ayon kay Direk Theodore Boborol na director ng pelikula, bagama’t nahihiya ay hindi na sila kailangang turuan pa.

Sino naman kaya ang makakatuluyan ni Donny? “Wala po, as in real life, wala rin akong special someone.”

Donny hihintayin na lang kung magkaka-loveteam

Of Donny, kilala pareho ang kanyang mga magulang sa entertainment world. Ang kanyang father na si Anthony Pangilinan, bagama’t mas kilala siya bilang financial expert,  kapatid ni Angeli Pangilinan, asawa ni Gary Valenciano.

Lahat din ng anak nina Gary at Angeli na sina Kiana, Paolo at Gab ay pawang mga nasa showbiz din.

Sa mother side naman ni Donny ay namumutakti rin ng showbiz personalities.

Ang nanay niya ay si Maricel Laxa na ang ama ay ang da­ting sikat na action star na si Tony Ferrer. Si Imelda ­Ilanan naman ang lola ni Donny na naging paboritong leading lady dati ni former Mayor Joseph Estrada.

Ngayon, Imelda is married sa isa sa mga apo ni Nini Avanceña, daughter naman ng dating presidenteng Manuel L. Quezon.

Si Espiridion Laxa naman ang tito ni Maricel na isang lawyer. Siya ang may-ari dati ng film firm na Tagalog Ilang Ilang Pictures.

Samantala, ayon kay Donny, nasorpresa raw siya nang ipasok siya sa showbiz.

Sa international schools siya pumapasok since his elementary days.

Bago siya mag-showbiz, nakatakda sana siya noong umalis papuntang ibang bansa para sa pag-aaral niya. Pero, naging regular VJ siya sa MYX at umapir na sa pelikulang Walwal.

Asked if he had no intention na magkaroon uli ng ka-loveteam after ng DonKiss nila ni Kisses Delavin, sagot ni Donny, “that will come.”

Ganunpaman, masaya raw siya sa role bilang third party sa supposedly lo­vers na ginagawa niya.

And what has Maricel say to this?

“At 22, Anthony and I allow Donny to decide for himself,” sagot niya.

Donny marks his 22nd birthday on February 10.

Happy Birthday…

Happy birthday to Letty Celi, na ganap nang magaling sa sakit na dumapo sa kanya.

Letty is grateful to friends, one of whom is Ricky Reyes, yes, the beauty philanthropist.

Together with Hans Sy, a top businessman, the two of them are behind Child Haus, which serve as a temporary shelter para sa mga bata at matatandang may sakit.

Mostly, those young cancer victim are treated sa PGH (Philippine General Hospital). (Happy happy birthday po tita Letty Celi. Palakas ka pa po. – Salve A.)

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with