^

Pang Movies

KC ayaw nang madikit ang pangalan kay Sharon?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KC ayaw nang madikit ang pangalan kay Sharon?!
KC

Mukha ngang unti-unti ay nagiging malinaw ang sitwas­yon. Hindi gaya nang sinasabi ng ilan na mukhang may problema o tila nagrerebelde si KC Concepcion, lumalabas ngayon na siguro gusto lamang niyang makagawa ng desisyon on her own. Siguro gusto nga niyang patunayan na siya na mismo ang nagpapatakbo ng kanyang buhay at hindi na umaasa sa iba.

Iyan ang naging palagay namin nang mag-isa siyang magdesisyon at pumirma ng kontrata sa isang ma­nagement company na siyang mag-aalaga sa kanyang showbiz career. Ang management company ay hindi identified kanino man sa kanyang mga magulang, kaya masasabi ngang walang impluwensiya ang kahit na sino kundi sarili niyang desisyon iyon.

Palagay namin, ’yun naman talaga ang gusto niyang mangyari simula pa noong bumukod siya ng sariling bahay. Ang dami niyang bahay na matitirahan, bakit nga ba kailangan pa siyang magkaroon ng sarili niyang condo na iintindihin pa niya? Pero iyon nga ang gusto niya eh, na siya na mismo ang mag-intindi kung ano ang kailangan niya. Ayaw na niya na umaasa siya.

Responsable rin naman ang mga magulang niya kaya naging ganyan ang takbo ng kanyang kaisipan. Tinuruan siyang maging independent. Ipinadala siya sa abroad para mag-aral. Natural natuto na siya at nasanay na mag-isa, papaano mo ngayon aasahang sasama pa siya kahit na kanino?

Sumama man siya sa ermat niya, o sa erpat niya, magi­ging issue sa kabilang kampo, kaya pinakamaganda nga naman siguro para sa kanya ang magsarili na lang at gumawa ng sari­ling desisyon.

Ngayon naman siguro ay higit na nilang mauunawaan kung ano ang stand ni KC para sa kanyang sarili. Gusto lang niyang siya ang maglagay sa ayos ng kanyang buhay.

Claudine pinatunayang legal ang mga ampon 

Sumama si Claudine Barretto sa DSWD para mai-promote ang legal adoption.

Tatlo na ang adopted children ni Claudine.

Nagkaroon pa ng controversies si Claudine tungkol sa adoption ng mga bata, pero napatunayan naman niyang dumaan ang lahat ng iyon sa tama at legal na pamamaraan.

Totoo ang sinasabi ni Claudine. Maraming mga magulang na nag­hahanap ng anak, o hindi nagkaroon ng anak. Marami namang mga bata na nangangailangan ng suporta at kalinga na hindi na kayang ibigay ng kanilang mga biological parents at sila ay masasabi ngang up for adoption. Pero dapat naman legal ang pag-ampon sa kanila.

Poging aktor, inuutangan ang mga nagiging GF

Pogi kasi talaga si male star, kaya napakadali para sa kanya ang manligaw kahit na ng mga kapwa niya artista, na dahil sa pogi nga siya ay mabilis na mag-fall sa kanya. Pero iisa ang modus eh, basta syota na niya, magsisimula na siyang mangutang. Minsan kailangan daw ng magulang. Minsan kailangan sa isang maliit na negosyo, pero lahat ng utang hindi niya binabayaran.

 Kung ang syota naman niya ay hindi na niya mautangan, asahan mo manliligaw na naman siya ng iba.

Iyon daw ang dahilan kung bakit wala talaga siyang relasyong nagtatagal. Iyong relasyon kasi nila ay hanggang nauutangan lang niya ang syota niya.

Mas tama nga sigurong balikan na lang niya ang baklang foreigner na nabaliw sa kanya noon. Hindi aangal iyon utangan man niya nang utangan.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with