Sen. Bong
Sen. Bong buking na ang tinatagong leading lady
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 3, 2020 - 12:00am

Sure na talaga Salve ang bagong show ni Sen. Bong Revilla Jr. sa GMA 7, ang Agimat ng Agila dahil ngayon ang story conference ng naturang project.

Nung una ay pa-blind item pa kung sino ang makakasama niya sa naturang project pero later on ay nabuking din na sina Sanya Lopez na nga ang kasama niya, pati sina Roi Vinzon at Allen Dizon.

Touched nga si Allen dahil nakarating sa kanya na pinuri ni Sen. Bong ang pag-arte niya sa Mindanao. Kaya interesado ang senador na makatrabaho ito.

Excited na rin siyang bumalik sa taping at shooting kaya inaayos na rin ang project na balak niyang isali sa Metro Manila Film Festival sa December.

Busy naman sa shooting si dating Sen. Jinggoy Estrada ng pelikula niyang Coming Home na balak ding isali sa Summer Metro Manila Film Festival.

Siyempre pa, number one supporter si Bong sa pelikula ng bestfriend niyang si Sen. Jinggoy.

“I’m so happy, at least may pinagkakaabalahan siya ngayon.

“Si Pareng Jinggoy, ginto rin ang puso niyan. Makikita mo sa kanya ang tunay na kaibigan, hindi ka niya pababayaan. Kaya sa laban ni Pareng Jinggoy sa darating pang panahon, hindi mawawala si Bong Revilla sa kanya.

“Sa paggawa niya ng pelikula, I wish him well. Sabi ko nga, imbitahan mo naman ako sa shooting mo. Tingnan ko kung marunong ka pa umakting,” napapangiting chika ni Sen. Bong.

Tamang-tama naman nung araw ding iyun na nagpa-lunch si Sen. Bong sa Annabelle’s Restaurant, Tomas Morato, nagsu-shooting pala si Sen. Jinggoy malapit lang doon.

Hindi siya nagpapa-istorbo dahil mabibigat na eksena pala ang kinukunan. Kaya abala siya sa pag-memorize ng lines niya sa mga eksenang kukunan.

Si Sen. Bong naman ay puspusan din ang ensayo dahil kailangan niyang magpapayat para dito sa Agimat ng Agila.

“Pambata ito, pero ibang attack, ibang approach.

“Kung ano yung hinahanap nila sa mga pelikula ngayon na matagal na ring nawala, gagawin po natin dito and we will make sure na magugustuhan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Sen. Bong. Yun lang at babu na.

BONG REVILLA JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with