^

Pang Movies

Pero sa tama raw sa franchise renewal Sen. Bong handa na sa MMFF

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pero sa tama raw sa franchise renewal Sen. Bong handa na sa MMFF

Balik-TV na si Senator Bong Revilla sa weekly Kapuso show na Agimat ng Agila habang ang kaibigan niyang si Senador Jinggoy Estrada ay balik-pelikula naman.

“I am so happy. May pinagkakaabalahan siya ngayon. Alam ko, alam ninyo si Pareng Jinggoy, ginto rin ang puso niyan. Isang tunay na kaibigan na hindi ka pababayaan. Sa dara­ting na panahon, hindi rin mawawala sa kanya si Pareng Bong Revilla.

“Kaya ‘yung paggawa niya ng pelikula, I wish him well. Sabi ko nga sa kanya, ‘Imbitahan ako sa shooting mo. Tingnan ko kung marunong ka pang umakting!’

“Ewan ko kung kukunin niya ako. Baka magsapawan kami!” natatawang pahayag ni Senator Bong sa get together niya with the movie press.

Nagpapasalamat ang senador sa GMA-7 dahil sa tiwalang pagkuha sa kanya.

“Natutuwa ako dahil winelkam nila ako despite nang nangyari sa akin. Hindi nila ako piinabayaan. Pambata ito at may agimat. Pero ibang atake,” saad pa ng senador.

Hindi rin nakaligtas si Senador Bong sa isyu ng renewal ng franchise ng ABS-CBN.

“Basta ang masasabi natin diyan, nasa House pa ‘yan. Hangga’t hindi pumapasa ‘yan sa Kongreso, hindi namin puwedeng ipasa ‘yan sa Senado. Hindi pa rin yan valid.

“Pag naaprubahan sa Kongreso, saka namin  ita-tackle sa Senado.

“Ako personally, based on my experience, marami akong tampo sa ano na ‘yan pero maninindigan ako sa tama! Kailangan sa tama tayo!” rason ni Senador Bong.

“Saka na lang ‘yon! Ha! Ha! Ha! Basta ang puso ko para sa mamamayang Pilipino!” diin ni Sen. Bong nang tanungin kong ano yung mga tampong ‘yun.

Bukod sa TV, inihahanda na ni Senador Revilla ang pelikulang isasali niya sa December Metro Manila Film Festival.

“Secret muna pero comedy adventure. Wala, hindi si Catriona (Gray),” deklara ng senador.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with