^

Pang Movies

Carla na-damage ang liver dahil sa maling findings ng doctor

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Carla na-damage ang liver dahil sa maling findings ng doctor
Carla Abellana

Na-damage ang liver ni Carla Abellana bukod pa sa tumaba siya nang dahil sa maling findings ng pulmonary doctor na ang diagnosis ay meron siyang sakit na asthma.

Bukod pa ito sa napagkamalan siyang buntis.

Kinailangan daw niya kasing uminom noon ng medicines na nakasira sa kanyang liver. Nag-steroids din siya dahil nga sa naturang sakit.

Pero nang magpa-second opinion siya, nalaman ng bagong doctor niya na wala siyang asthma.

Eh tumaba na siya. Ang unang weight gain niya ay 26 lbs. pero mas nadagdagan pa ang timbang niya na ayaw na ng actress banggitin kung ilan ang kasalukuyang timbang niya.

Basta ito na raw ang pinaka-mabigat na weight niya.

Bukod sa maling diagnosis sa asthma na naging dahilan ng liver problem niya, meron din siyang hypothyroidism at tachycardia  (heart-related conditions such as high blood pressure).

Nagtaka lang siya sa hypothyroidism dahil wala naman daw history sa family nito at matagal na siyang nagda-diet.

Anyway, starting next week ay mapapanood na si Carla sa Love of My Life kung saan kasama niyang bida sina Rhian Ramos and Coney Reyes sa GMA Telebabad.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with