^

Pang Movies

Nathalie nakabangon ang career pagka-panganak!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Nathalie nakabangon ang career pagka-panganak!

Alam mo, Ateng Salve, suwerte rin itong si Nathalie Hart.

Noong nabuntis kasi siya ay kasagsagan ng kanyang career at dahil may anak na nga siya ngayon, marami ang nag-akalang baka mahirapang makabuwelo pa siya sa showbiz.

Pero mukhang suwerte naman sa kanya ang anak na si Penelope dahil kahit naghiwalay sila ng tatay ng bata, may dalawang movie projects kaagad si Nathalie.

Nakapag-story conference na nga para sa pelikula nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla na kasama siya (na nagkaroon ng announcement sa Vision 2020 ng Viva Films) at may isa pa raw siyang gagawing pelikula na sa Japan naman ang shooting (sa production company pa rin ito ni Boss Vic del Rosario) by March.

At least, hindi man sinuwerte si Nathalie sa kanyang lovelife, suwerte pa rin siya sa anak na si Penelope na ang ganda, at siyempre, mukhang bobongga uli ang career niya, huh!

Paulo mag-uumpisa na sa Darna

Speaking of Japan, aalis pala si Paulo Avelino papunta sa bansang ‘yon para sa shooting ng isang pelikula.

Busy nga si Paulo dahil katatapos lang niya ng shooting ng If We Don’t Make It movie nila ni Janine Gutierrez at may Darna pa siya sa Star Cinema kung saan ay siya ang leading man ni Jane de Leon.

Bale nakapag-look test na si Paulo at any day ay magsu-shoot na rin siya for Darna.

Mas lalo pa raw magiging busy si Paulo dahil may new teleserye rin siya sa ABS-CBN na sisimulan very soon.

Ang bongga!

Seksing aktres na may asawa’t anak na, mas committed sa yoga kesa sa tapings!

Kahit may asawa’t anak na si aktres, in fairness, ang sexy pa rin niya.

Hindi kasi siya pabaya sa kanyang diet and exercise.

Marami nga ang hanga sa kanyang kaseksihan.

Ang dalas kasi niya sa gym plus kung anu-anong training pa ang ginagawa niya.

Madalas din daw mag-yoga si aktres.

Part talaga ‘yon ng buhay niya, kaya sa isang taping ay may mga na-weirdohan sa kanya.

Late na raw kasi at nagwo-worry si aktres dahil nasa bukid ang location nila.

Sabi raw ni aktres, hindi pa raw tapos ang kanyang mga eksena, paano na raw ang kanyang yoga session the next day?

Wow, talagang mas dedicated siya sa yoga kesa sa kanyang trabaho bilang aktres?

Hehehe!‘Yun na!

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with