^

Pang Movies

Sharon at Regine magsasanib sa remake ng Korean movie

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sharon at Regine magsasanib sa remake ng Korean movie
Regine

Nakatali pa sa anim hanggang pitong pelikula si Nadine Lustre sa Viva Films bilang bahagi ng pinirmahan niyang kontrata.

Pero sa launching ng Viva Vision 2020 last Tuesday sa Novotel, walang standees si Nadine ng pelikulang naka-schedule gawin out of 34 movies na gagawin ng Viva this year.

“May naka-schedule pang gawing anim o pitong movie si Nadine. Eh kami naman, pag tinanggihan ng artista ang project, hindi namin pinipilit. Gaya ng pagtanggi ni Nadine sa Miracle in Cell No. 7 at Spellbound,” pahayag ni Boss Vic del Rosario pero hindi na nagpaliwanag pa tungkol sa pagkalas ni Nadine sa Viva Artists Agency (VAA).

Ayon naman sa ambush interview namin kay Veronique del Rosario-Corpus, President ng VAA, “Sana amicable settlement na lang. Kami naman, pag may magandang opportunity ang isa naming artist, puwede naman kaming kausapin.”

Sa totoo lang, sa paghawak ni Veronique, ngayon lang siya naka-encounter ng experience tulad ng kay Nadine. Hindi na nga lang siya nagdagdag paliwanag pa dahil nasa lawyers na nila ang nangyari.

Samantala, sa 34 movies na gagawin ng Viva this year, may P1B investment itong nakalaan.

Tatlo sa movies na ito ay pinagbibidahan ni Bela Padilla habang magsasama naman sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Korean adaptation ng pelikulang Sunny.

Coney ayaw nang buhayin ang nakaraan nila ni Dina

Hindi na binuhay pa ni Coney Reyes ang matagal na nilang issue ni Dina Bonnevie. Eh sa presscon ng Kapuso series ni Dina na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, nabanggit niya ang friendship nila ni Coney at naging dahilan ang relihiyon upang mabalik ang friendship nila.

“Ibaon na natin sa limot ‘yon. Huwag na nating banggitin pa,” pakiusap ni Coney sa bagong series sa GMA na Love of My Life.

Kapwa maligaya na sa buhay ngayon sina Coney at Dina at wala nang puwang ang naging sigalot nila nung mga nakaraang dekada, huh!

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with