Julia, Arjo
Arjo excited kay Julia!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 30, 2020 - 12:00am

Balik-TV na uli si Julia Montes, and guess what her comeback project is?

An action series, titled 24/7, with Arjo Atayde playing her leading man, na huling napanood sa iWant series na Bagman.

Dreamscape Entertainment will reportedly produce it.

Before Julia’s nearly one year absence from the showbiz scene, she was last seen sa seryeng Asintado.

First team-up ito nina Julia at Arjo. Nalilinya kasi ngayon ang huli sa action roles, which according  to him, he welcomes wholeheartedly.

But, of course, he is more excited daw to work with Julia for the first time.

‘Sikreto’ nina Coco at Julia, hindi matatago forever

Of Julia, ano nga kaya ang totoo about her at kay Coco Martin? May relasyon, o magkarela­­s­yon na nga kaya talaga sila?

Sa ngayon, hindi na muna nagkokomento ang dalawa sa matagal nang tsismis sa kanilang dalawa, but, in time, like all ‘secrets’ that are true in showbiz, the truth, no matter what, will out. And one of the best example riyan ay ang hiwalayang naganap diumano kina Nadine Lustre at James Reid.

Now, we know who is telling the truth between Nadine at sa mga unang sumulat tungkol sa hiwalayan nila ng dating nobyo.

Meanwhile, ayon sa report of Nadine’s sudden decision na tapusin na ang kanyang contract with Viva Films, the film firm in question will reportedly not take it sitting daw. Kaya abangan natin ang mga susunod na kabanata.

Viva magpapalabas ng tigta-tatlong pelikula kada buwan!

Sa katatapos lang na thanksgiving party para sa entertainment press and bloggers ng Viva Films, mas naka-focus sila sa Vision 2020 nila.

Likewise, paulit-ulit silang nagpasalamat sa suporta na ibinibigay sa kanila ng entertainment media.

Present din at the event si Boss Vic del Rosario kasama ang kanyang dalawang anak na sina Vincent at Veronique del Rosario.

Nandoon din si June Rufino, ang executive assistant ni Boss Vic, at ibang film firm kung saan kabilang si Lawrence Tan.

Halos intact na dumating ang mga paboritong direktor at scriptwriters ng nasabing film outfit, and of course, ang mga kilalang artista nila, na nakakasigurong hindi sila mawawalan ng trabaho.

Viva Films, ayon kay Boss Vic, will produce, at least 34 films. They intend to show at least three movies every month.

From him too, we learned na maituturing nilang top grosser ang kanilang Metro Manila Film Festival 2019 entry na Miracle In Cell No. 7. Sarili nilang produksyon ang movie, unlike their past top grosser films in the MMFF’s, topbilled by Vice Ganda, where they had for co-producer Star Cinema.

Of the 34 films they have line up for 2020, hindi raw necessarily lahat ay sarili nilang produksyon, pag-amin ni Boss Vic. They have co-producers, too, among whom are directors Jun Lana and Perci Intalan, na may-ari ng The IdeaFirst Company.

In any case, marami ang natuwa sa balitang ito ng Viva. This would mean na more work sa mga taga-pelikula.

Salamat, Boss Vic. Salamat Viva Films.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with