^

Pang Movies

Dingdong, malapit nang tapatan si Gerald!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dingdong, malapit nang tapatan si Gerald!

Maraming naantig sa makatotohanang kwento ng dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo sa teleseryeng A Soldier’s Heart, kaya naman nanguna ito sa national TV ratings sa unang linggo nito.

Ayon sa datos ng Kantar Media, tinutukan ito mula Lunes (Enero 20) hanggang Biyernes (Enero 24) kung saan nagtala diumano ito ng pinakamataas na national TV rating   na 19.8% noong pilot episode nito.

 Namayagpag din online ang serye matapos itong umani ng sari-saring papuri mula sa netizens na humanga sa mga bidang sina Alex (Gerald Anderson), Elmer (Vin Abrenica), Benjie (Yves Flores), Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Phil (Jerome Ponce), at Jethro (Elmo Magalona) na naki­pagsapalaran para sa pangarap nilang maging sundalo.

Pero pagdating ng February ay eere na ang Pinoy adaptation sa Korean hit drama na Descendants of the Sun na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes kaya magkakaroon na ng kalaban ang A Soldier’s Heart.

Parehong tungkol sa mga sundalo ang kuwento nito kaya magkakaalaman na kung ano ang magiging resulta ng kanilang tapatan.

By the way, simula pa pala noong 2009 ay ganap nang Marine reservist si Dingdong at ibinahagi niya sa nakaraang interview na karangalan ang maging parte nito dahil dito niya napagsisilbihan ang bansa, “Bukod sa achievement ay I think it’s really an honor kasi marami naman tayong paraan para magsilbi sa bayan and para sa ‘kin, bukod sa pagiging artista, ito ‘yung pinili ko.”

Noon pa man ay talagang nakikitaan na ng pagmamahal sa bayan ang sikat na aktor, hindi ito nagkukulang sa pagtulong sa mga nasasalanta ng iba’t ibang kalamidad dito sa Pilipinas, tulad na lang ng recent Taal eruption kung saan personal siyang nag-abot ng tulong sa mga victims sa Balayan, Batangas.

Kaya nga, sinasabing bagay na bagay talaga ang role niya sa Descendants of the Sun bilang si Big Boss na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad!

Opisyal nang itinalaga bilang Lieutenant Commander ng Philippine Navy ang Kapuso Primetime King the other day. 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with