^

Pang Movies

Kailangan daw ng tulong Joshua nagparinig kay Julia!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kailangan daw ng tulong Joshua nagparinig kay Julia!
Joshua, Julia

Dahil promo time ngayon ng movie nilang Block Z, madalas magkasama lately sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Last Monday nga ay guest sila sa Magandang Buhay kung saan ay kinilig ang hosts sa kanila pati na rin ang audience dahil sa kanilang mga sinabi.

Natanong kasi kung sino sa mga co-stars nila ang ise-save nila in real life laban sa mga zombies, at nagsigawan ang mga tao sa sagot ng JoshLia na magkatabi sa upuan.

“I tnink, ikaw,” sabi ni Joshua kay Julia.

Nagpaliwanag agad ang aktor na hindi raw pang-promo ang sagot niya.

“Not for promo or anything I think ikaw ‘yung mas kailangan ng tulong,” paliwanag ni Joshua.

Kinantyawan ng mga kasama si Joshua kung bakit ito parang naluluha at pati si Julia ay nakitukso rin.

“Closure ba? Closure?” sabi ni Julia.

When it’s Julia’s turn to answer, si Joshua rin ang sagot niya.

“Ise-save ko si Josh, kasi simula pa lang naman, ikaw na ang partner ko, ‘di ba?”

Pero natatawang hirit ni Joshua na parang may ibig sabihin, “baka magkaiwanan. Baka pagdating du’n sa mismong zombie, mag-iwanan na.”

Pero in fairness, mukhang mas okay na ngayon sina Joshua and Julia kaysa noong presscon ng movie na sobrang awkward nila sa isa’t isa at halos hindi nag-uusap.

Sa guesting nila sa nasabing morning show ay nagbibiruan na sila at nagtatawanan.

Barbie hindi pa sanay na tawaging princess

Opisyal nang ibinigay ng GMA-7 kay Barbie Forteza ang titulong Kapuso Primetime Princess sa presscon last week ng bago niyang teleserye na Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.

Dati kasi, kapag sinasabi ng mga tao na siya ang Kapuso Primetime Princess ay itinatanggi niya ito.

“Kung ibigay na sa ‘yo ng network, hindi naman para tumanggi ka pa,’ di ba? Siyempre, buong puso ko siyang tinanggap.

“Dati, natatawag na rin naman ako na Kapuso Primetime Princess pero mga hearsay-hearsay pa lang. So, I can’t fully claim it.

“Ngayon na talagang network na talaga ang nagbigay sa akin and I think, they believe I earned it, I earned the title, the part. It’s not actually a pressure but more on motivation on my part to do better.

“Especially ngayon na marami na pong artista ang pumapasok, it’s a good reminder for me na the network still loves me, still cares for me and never akong pinabayaan,” sabi ni Barbie.

Biro pa nga niya, pabata na raw nang pabata ang mga nakakatrabaho niya at Ate ang tawag sa kanya.

“Ate Barbs ang tawag sa akin ni Kate (Valdez, co-star niya sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday),” natatawa niyang sabi.

Alam din naman daw niya ang malaking responsibilidad na kasama sa kanyang titulo.

“So, as much as possible, I am maintaining my image, I am maintaining my reputation and not going beyond that. Hindi naman para magpa-sexy na tayo. Wait lang muna,” sey pa niya.

Samantala, last Monday night ay nagsimula na sa GMA Telebabad ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday. Sa pilot episode ay napanood ang guest appearance nina Max Collins (as the young Snooky Serna) Lovi Poe (as the young Dina Bonnevie) and Jason Abalos (bilang young Jay Manalo).

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with