^

Pang Movies

James at Nancy tuloy na tuloy na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
James at Nancy tuloy na tuloy na!
Nancy

Tuloy pa rin ang series na pagsasamahan nina James Reid at Nancy ng grupong Momoland. Kinumpirma ito mismo ni Nancy ayon sa naglabasang report.

Ito ay sa gitna ng kaguluhang nilikha sa pagkalas ni Nadine Lustre bilang artist ng Viva Artists Agency (VAA). Unang nagpalabas ng statement ang lawyers’ group ni Nadine.

Kinontra ito ng lawyers ng VAA. Kaya ‘yung kukuha sa services ni Nadine na walang permiso sa VAA eh mananagot.

Tanong tuloy ng iba, bakit nang umalis si James sa VAA eh, walang ganitong issue? Hinayaan na lang ang young actor na kumawala, huh!

Ibig bang sabihin ay mas pinahahalagahan ng VAA s Nadine kesa kay James?

Ang laking gulo ang naging epekto ng sumabog ang balitang hiwalay na umano sina James at Nadine, huh!

Well sa ganitong sitwasyon, mas madalas na nasa losing end ang isang artista kung pagbabasehan ang history ng mga lumalayas sa kumpanyang gumastos at nagsugal para sumikat sila, huh!

Dating matinee idol, nagbebenta na ngayon ng pampa-‘L’

Suma-sideline sa pagbebenta ng gamot ang dating matinee idol dahil sa kawalan ng masyadong trabaho sa showbiz.

Pero hindi ito ordinaryong gamot na basta na lang nabibili sa market, huh!

May kinalaman ang gamot para tumaas ang libido ng dalawang nagtatalik. Safe naman daw ito at walang side effects.

Sa hirap ng buhay ngayon, kahit anong pagkakakitaan ay pinapasok ng mga jobless na artista, huh!

Eh may edad na rin kasi siya kaya hindi na mabenta sa mga matron at bading!

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with