^

Pang Movies

Pops at Martin, pitong gabing magsasama

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Pops at Martin, pitong gabing magsasama
Pops at Martin

Isa sa mga tatayong judges ng bagong singing competition for the kids na Centerstage ang concert queen na si Pops Fernandez. Makakasama niyang mag-judge sina Aicelle Santos at ang veteran musical director na si Mel Villena. Ito’y nakatakdang i-host ni Alden Richards.

Ngayon pa lamang ay excited na si Pops na makatrabaho si Alden maging sina Aicelle at Mel, lalo na ang mga batang magpapakita ng kanilang galing sa pagkanta.

Since magtatapos na ang The Gift primetime TV series na pinagbibidahan ni Alden, mahaharap na niya nang husto ang paghu-host ng Centerstage, maging ang kanyang weekly Sunday musical variety show na All-Out Sundays na pinangungunahan nila ni Julie Anne San Jose.

Natutuwa si Alden na nabibigyan siya ng chance ng kanyang home studio, ang GMA-7, na maipakita ang kanyang iba’t ibang talent sa acting, singing, dancing at paghu-host.

Still on Pops, she hugged the international limelight nang maging isa siya sa international panel of  50 experts (judges) in various fields of entertainment sa World’s Best reality competition sa Amerika nung isang taon kung saan sina Drew Barrymore, RuPaul at Faith Hill ang main judges.

Samantala, pitong gabi mapapanood si Pops at ang kanyang ex-husband, ang concert king na si Martin Nievera sa kanilang reunion concert sa The Theatre at Solaire on February 14, 15, 17, 18, 19, 20 & 21  na pinamagatang Two-gether Again.

Lovely at anak ni Jose ikakasal na rin

Malapit nang magkaroon ng manugang ang singer-comedian at TV host na si Jose Manalo matapos ma-engaged last June 2019 ang isa sa kanyang mga anak, ang actor-dancer na si Benj Manalo sa kanyang fiancée, ang Kapuso actress na si Lovely Abella.

Malamang na mapasama sina Benj at Lovely among the celebrity couples na nakatakdang ikasal sa loob ng taong kasalukuyan.

Si Benj ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa De la Salle College of Saint Benilde School of Design.

May isa ring anak na doctor si Jose, ang anak niyang babaeng si Myki Manalo.

Marianne dela Riva kuntento na sa buhay

Kumusta na kaya ngayon ang dating actress na si Marianne dela Riva?

Kung matatandaan pa, si Marianne noon ang nagtataglay ng napakaganda at maamong mukha na unang nakilala sa fashion world sa edad na 16 nang siya’y gawing modelo ng veteran fashion designer na si Pitoy Moreno. Si Marianne ay itinuring noon as one of Manila’s prettiest.

Ang pagiging fashion model ni Marianne ang kanyang naging pasaporte para mapasok niya ang mundo ng showbiz.

Taong 1973 nang unang gawin ni Marianne ang pelikulang Love Song na pinagtambalan nila ni Victor ‘Cocoy’ Laurel. Ang nasabing pelikula ay sinulat ng ina ni Cocoy, ang dating Second Lady at veteran stage actress na si Celia Diaz-Laurel at dinirek ni Zenaida Amador.

The following year in 1974 ay kinuha siyang leading-lady ni Ramon Revilla, Sr. sa pelikulang Ibilanggo si Cavite Boy.

Taong 1975 naman nang kunin siya ng movie king na si Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Ang Leon at ang Daga kung saan din tampok noon ang Child Wonder noon na si Niño Muhlach. Magmula noon ay naging paborito na siyang leading-lady ni Da King at kasama na rito ang mga pelikulang Alakdang Gubat, Isang Bala Ka Lang, Panday, Tutubing Kalabaw, Tutubing Karayom at iba pa.

Naging in-demand din siyang kapareha ng ibang action stars noon tulad nina Rey Malonzo, Dante Varona, Lito Lapid,  Rudy Fernandez, Phillip Salvador at Eddie Garcia.

Tumatak din nang husto si Marianne sa televiwers nang kanyang gawin ang longest-running TV series na Gulong ng Palad na sinimulan in 1977 at nagtapos nung 1985.

In one of her US visits sa kanyang mga anak sa Amerika, ipinakilala si Marianne ng dati ring actress na naka-base sa New Jersey, USA na si Edna Diaz sa kanyang kaibigang binatang doctor na si Dr. Oscar Ortiz na sa New Jersey din naka-base.

Ito’y nauwi sa kanilang pagpapakasal in 2006.  Magmula noon ay sa New Jersey na rin nag-base si Marianne with her new husband maging ang dalawa niyang anak na meron nang mga asawa at tigda-dalawang anak ngayon.

Nang mag-move ang mga anak ni Marianne na sina Louie at Ella sa Florida, USA, naging madalas din ang punta roon ng mag-asawang Marianne at Oscar.

Kahit hindi nagkaroon ng anak sina Marian at Doc Oscar, sobrang napamahal sa pangalawang mister ni Marianne ang dalawa niyang anak at apat na apo na siyang dahilan kung bakit sila madalas lumipad patungong Florida.

Si Doc Oca ay nagpa-practice pa rin ng kanyang medical profession at meron itong sariling medical clinic sa New Jersey habang si Marianne ay isang happy, contended and supportive housewife na nagi-enjoy din sa kanyang pagiging doting grandmother sa kanyang apat na apo na sina Aidan, Colin, Jillian at Jamie.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with