^

Pang Movies

Alden sunud-sunod ang bagong endorsement

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa nalalapit na pagtatapos ng The Gift ni Alden Richards ay maraming natutunan ang mano­nood bukod pa sa nakabuo ng panibagong pamilya ang actor sa cast and crew ng nasabing teleserye.

Pagkatapos ng The Gift, tuluy-tuloy ang iba niyang programa kasama na ang bago niyang programa sa GMA na Centerstage kasama si Betong Sumaya bukod pa sa All-Out Sundays.

Bukod diyan ay may magaganda pang upcoming endorsements si Alden at sa ngayon ay tinanggap niya ang Embassy Whisky na bagay naman sa kanya.

Bukod diyan ay isa pa na malaking produkto na madalas kumuha ng mga artistang endorser kapag dumarating ang summer ang tinanggap ng aktor.

Mukha rin nag-e-enjoy si Alden sa pagmo-motor at madalas niyang kausap ang taga-Wheeltek na nagbibigay payo sa kanya to be a responsible motorcycle rider at nakikita na siyang kasa-kasama na ng mga artistang mahilig sa motorcycle.

Basketball fans, binulaga ng malungkot na kuwento

Masama ang gising ng basketball fanatics kahapon ng umaga matapos bumulaga sa kanila ang untimely death ng basketball legend na si Kobe Bryant.

Isang malaking leksyon sa atin ‘yan na anything can happen at walang nakakaalam kung hanggang kailan tayo dito sa mundong ginagalawan natin. Sa mga nangyari at nangyayari dito sa mundo na patapos pa lang ng unang buwan ng 2020 ay dapat maging eye opener sa lahat at magnilay-nilay kung tama ba ang pinaggagawa natin at kung puwede pang itama bago mahuli ang lahat at handa ang bawat isa na humarap sa dakilang lumikha anytime.

May he rest in peace.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with