^

Pang Movies

Piolo nag-react sa pa-bikini ni Rhian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Piolo nag-react sa pa-bikini ni Rhian

Ang cute lang, nag-comment si Piolo Pascual sa Instagram (IG) post ni Rhian Ramos na ikinatuwa ng followers ni Rhian. Nag-post kasi si Rhian ng photo niya na naka-stripers two-piece swimsuit at may caption na ayaw daw niyang mag-stripes, pero ang suot na swimsuit ay stripes.

Comment ni Piolo, “Stripes ka lang lagi,” na sinagot ni Rhian ng laughing emoticon. Ayun, marami ang natuwa at nag-request sa dalawa na muli silang gumawa ng movie na kasing ganda ng pinagtambalan nilang Silong o kaya’y mas maganda pang project at mas challenging ang kanilang role.

Speaking of Rhian, muli siyang mapapanood sa primetime teleserye ng GMA-7 na Love of My Life bilang babae na naanakan ng karakter ni Mikael Daez.

Matteo susubukan kay Bela

Guest pala si Matteo Guidicelli sa Viva Films movie na On Vodka, Beers, and Regrets, hindi ito nabanggit sa presscon ng movie na showing sa February 5.

Ang Jane na tinutukoy ay si Bela Padilla at sa tanong na ‘yun, parang lumalabas na ex-boyfriend nito ang role ni Matteo.

Sabagay, malapit na ang showing ng movie, kaya malalaman na kung ano ang role ng karakter ni Matteo sa buhay ni Jane at kung bakit sila nagkahiwalay.

Makikita sa On Vodka, Beers, and Regrets, makikita kung may chemistry sina Bela at Matteo at baka sa susunod na pelikula, sina Bela at Matteo naman ang pagtambalin ng Viva Films.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with