Bianca ipa-partner na kay Dennis
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 28, 2020 - 12:00am

Sa March 2, 2020, young Kapuso actress Bianca Umali will turn 20 years old. Puwede na nga siyang bigyan ng may pagka-mature role. 

Maraming nagtatanong kung sino ang mga actresses na makakasama ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa upcoming ground-breaking series na Legal Wives?

 Sa press release ng GMA Network, ang nakasulat na katambal ni Dennis ay si Bianca.

Mukhang mga bata ang itinatambal ngayon kay Dennis. Katatapos lamang nilang gawin ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang month-long series ng Daig Kayo Ng Lola Ko na gumanap silang mga werewolf at sa finale last Sunday, may kissing scene silang dalawa pero halatang fake dahil ibinaling ang kamera sa right side.

Si Bianca ay madalas mag-post ng sexy photos niya.  Ang latest niya sa Instagram ay napaka-sexy niya, shot in a beach.

Wala pang details sa story ng Legal Wives ni Dennis, pero tiyak na isa na naman itong naiibang story tulad ng una niyang ginawa noon na My Husband’s Lover ang first gay themed drama series na pinagsamahan nila nina Tom Rodriguez at Carla Abellana in 2013, na gumanap si Dennis na isang gay.

Paul nabawasan ang katamaran

Para kay Paul Salas, unexpected but very grateful siya na nakasama siya sa cast ng Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun (DOTS).

Alam ni Paul na military training ang gagawin nila pero hindi siya tumanggi, sa pag-aakalang magiging madali lamang. “Pero nang magsi­mula na po kami, mahirap po pala,” sabi ni Paul.  “Kasi they did not treat us as celebrities, kung ano ang dapat nilang ituro sa amin, hindi kami pwedeng magreklamo. Kaya naging challenge po sa akin iyon.  Thankful po ako dahil ang dami kong natutunan. Ako po kasi tamad, lalo na kung sunud-sunod ang work ko, gusto ko pahinga agad. Pero dito, wala kang time magpahinga, natuto rin akong magbuhat. Mahirap, pero very rewarding naman,” sabi ni Paul na member  ng Alpha Team ni  Dingdong sa story.

Mapapanood na ang DOTS simula sa February 10, 2020.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with