^

Pang Movies

Lotlot ayaw diktahan si Janine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lotlot ayaw diktahan si Janine

Matapos ang issue nila sa social media noong Disyembre, finally ay nagkaharap kahapon sina Lotlot de Leon at veteran columnist/manager na si Lolit Solis sa contract signing ng aktres with LVD Management ni Leo V. Dominguez.

Matatandaang nagkaroon ng issue ang anak ni Lotlot na si Janine Gutierrez kay Nay Lolit nang “pitikin” ng kolumnista ang young actress sa social media account nito dahil sa tweet nito against Sen. Bong Revilla.

Nag-tweet si Janine ng “Oh God” last December regarding Sen. Bong’s television comeback at siyempre, hindi ito nagustuhan ni Nay Lolit bilang anak-anakan niya ang aktor/politiko kaya naman medyo natarayan niya ang aktres sa Instagram.

To the rescue naman si Balot sa anak at nag-post din sa kanyang IG account ng encouraging words para sa eldest daughter tanda ng pagsuporta niya rito.

Marami tuloy ang nag-akala na baka magkaaway sila pero sa pagkikita naman nila kahapon ay okay na okay sila at sey nga ni Lotlot, matagal na niyang kilala si Nay Lolit at kinalakihan na nga raw niya sa industriya.

“Ang liit ng mundo nating lahat, hindi naman para mag-away-away o ano. I think it’s but natural for everyone to give their opinions,” pahayag pa ni Balot.

Alam daw niya na out of malasakit lang naman kaya nakapagsalita ng ganu’n si Nay Lolit.

At this point ay diretsahang tinanong ni Nay Lolit si Lotlot.

“Tatanong ko lang sa ‘yo, Lot, bakit ganu’n ang feeling ni Janine about Bong Revilla?” tanong ni Nay Lolit.

Sagot ni Balot, “I think, Nay, you and Janine should sit down and talk. I don’t think it’s right for me also to speak on her behalf coz she’s also a grown woman already. May sarili siyang opinyon, and I think also that because of social media, lahat naman po tayo nakakapagbigay ng opinyon. eh. Minsan hindi tama sa tenga ng ibang tao, minsan, mali, but we all have, I think, the right to say that, to say what we feel, to voice our opinion.

“So, siguro lang po, talagang pag-uusap lang. Kung baga, kung medyo nasaktan nang konti or kung hindi naging maganda ang dating, siguro it should be really personal, dapat mapag-usapan ‘o, ba’t mo naman nasabi?’ or something like that. So that ma-clear po agad ‘yung whatever misunderstanding.”

Hindi naman daw niya puwedeng sabihan ang anak na huwag nang magbigay ng opinyon o huwag nang makisali sa politika dahil may sarili naman daw boses ito na ayaw niyang saklawan kahit pa anak niya ito.

“I can give her advice, siyempre, alam naman ni Janine ang tama at mali rin. But she has the freedom to say what she feels is right, and I know that if she says something that may be taken against her, siguro naman, kaya rin niyang ipagtanggol ang opinyon niya, di ba?

“Matalino naman ang anak ko, mabait din naman, hindi dahil sa anak ko siya, pero mabait ‘yung bata. I’m sure, hindi naman niya intensyon na makasakit o may masabing may masasaktan ang kung sinuman.

“But ‘yun na nga, minsan kasi, kung ano ‘yung tama sa akin, maaaring mali para sa ‘yo, ‘yung mali para sa ‘yo, maaaring tama para sa akin,” pahayag pa ni Lotlot.

Ayon naman kay Nay Lolit, na-appreciate rin naman niya na hindi naman sumagot si Janine sa kanya at sey naman ni Balot, hindi raw talaga sasagot ang anak niya.

Samantala, pumirma ng 3-year full management contract si Balot kay Leo at kasama na niya sa management si Janine.

Isa sa mga bagong project ni Lotlot ay ang pelikulang The Beauty Queens with Gloria Diaz kung saan ay gumaganap siya bilang isang lesbian mula sa direksyon ni Joel Lamangan. She’s also part of the Filipino cast of Almost Paradise, an Electric Entertainment production headed by Dean Devlin. She recently filmed her scenes with American actor, Christian Kane.

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with