May ebidensiya? Nadine at James pinaglalaruan lang ang fans?!
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Noong nakaraang araw lang ay nakita raw na magkasama si Nadine Lustre at ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nila ni James Reid, si Issa Pressman.

Parang pinaglalaruan lang nila ang kanilang fans. Kung iisipin mo, baka isa lang ito sa mga gimik nila dahil may niluluto siguro silang bagong project na magkahiwalay at dapat silang mapag-usapan.

Sikat na sikat dati ang JaDine, hindi rin alam ng fans nila kung bakit bigla silang nagbago ng mga ginagawa, lalo na si Nadine.

Nawala na ang kanyang pagiging bubbly, nagpa-sexy siya ng tuluyan at nagpaka-matured.

Vice malamya na ang career?!

Mukhang hindi na yata kinakagat ang mga gimik nina Vice Ganda at Ion Perez? Maging ang paglalambingan nilang dalawa ay parang tinututulan na ng ilang mga manonood.

Hindi raw kasi magandang tingnan na parehong lalaki ang naghaharutan sa telebisyon, lalo pa at halos mga kabataan ang audience nila.

Samantala, kapansin-pansin ang paglamya ng karera ni Vice Ganda. Nauna na nga riyan nang matalo ni Aga Muhlach ang pelikula niyang The Mall, The Merrier with Anne Curtis laban sa Miracle In Cell No. 7 nito.

At ngayon naman ay bali-balitang tsutsugihin na raw ang show niya tuwing Linggo na Gandang Gabi Vice.

Ito na nga kaya ang katapusan ng career ni Vice?

Koreanovela mas patok na ngayon kesa sa mga Pinoy teleserye!

Hindi nakapagtataka na mas tinatangkilik na ngayon ng karamihan ang panonood ng Koreanovela. Mas maganda kasi ang daloy ng kuwento ng mga ito at hindi mo kakikitaan ng violence, murahan, agawan ng partner, unlike sa serye ng mga Pinoy. Palagi na lang may mga nawawalang anak at hahanapin ng ina, may mga kabit, may mga nagbabarilan.

Parang masyado nang nakaka-stress panoorin, lalo pa ngayon na puro problema na lang din ang makikita mo sa balita.

Sana ay maibalik ang mga dating programa na puro comedy at hindi masyadong heavy ang drama, para kahit papaano naman ay makalimutan ng mga tao ang kanilang mga pinagdadaanan.

Bianca naging wild nang mapunta kay Ruru

Dumalang din ata ang projects ng dating child star na si Bianca Umali mula nang magpakita na rin ito ng naka-bikini. Hindi na rin sila matatawag na loveteam ni Miguel Tanfelix dahil nabuwag na rin ata sila mula nang gawin nila ang seryeng Kambal Karibal kasama si Kyline Alcantara.

Simula nang magka-issue ang tatlo, parang naging wild na si Bianca. Nasangkot pa nga siya noong nakaraang taon sa balitang muntik niya nang sagasaan ang rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid dahil sa selos.

Samantala, magbibida siya ngayon sa HBO Asia na Halfworlds kung saan katambal niya si Sam Concepcion.

Father Jerry Orbos makiki-fiesta sa Baliwag

Sa February 10 ay magiging panauhin si Father Jerry Orbos sa kapistahang gaganapin sa Barangay Subic, Baliwag, Bulacan.

Magkakaroon ng faith healing kung saan inaanyayahan ang mga kalapit bayan ng Baliwag na makipamista para sa healing mass ni father.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to January born celebrants: 

Yasmien Kurdi, Glenda Garcia, Kylie Padilla, Jason Abalos, Orly Ilacad, Hilda Koronel, Bimbo Cerrudo, Dra. Vicky Belo, Nyoy Volante, Nonie Nicasio, Karen Villar at Melchor Bautista.

JAMES REID NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with