Jackie Forster sa Pilipinas na uli nakatira, asawa iniwan sa ibang bansa!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

Sa Pilipinas na pala nakatira sina Jackie Forster at ang kanyang mga anak, kaya pala madalas nang makasama ni Kobe Paras ang mom niya at mga kapatid.

Sa post ni Jackie sa Instagram, sabi nito, “moving is exhausting but rewarding. My kids are so happy to be here. #theresnoplacelikehome.”

Bago mag-relocate sa Manila, sa China nakatira sina Jackie, kaya natuwa ang mga kaibigan nito na wala na sila sa China nang kumalat ang corona virus.

Ang hindi nakikita sa posts ni Jackie ay ang mister niya, naiwan yata sa ibang bansa ang kanyang asawa kung saan, andun ang trabaho nito.

Anyway, marami ang naintriga sa quotation card post ni Jackie na “Remember When You Wanted What You Currently Have.” Marami ang umaasa na ang tinutukoy ni Jackie ay ang pagkakaayos na nila ng anak na si Andre Paras dahil ito na lang ang kulang sa buhay niya na lagi naman niyang sinasabi.

Pagdating ng panahong ‘yun, hindi na lang “A” ang itatawag ni Jackie sa kanyang panganay, buong pangalan na nito ang isusulat.

In fairness, nang makausap namin si Andre sa pictorial ng Descendants of the Sun, sabi nito, wala naman daw silang problema, everything is okay, hindi lang nila ipino-post sa social media.

Eugene 50 na!

Nag-donate si Eugene Domingo sa YesPinoy Foundation ng check and in fairness, hindi si Eugene ang nag-post ng kanyang pagdo-donate sa foundation na pinamumunuan ni Dingdong Dantes, kung hindi ‘yung taga-YesPinoy Foundation.

Anyway, excited si Eugene sa pagsisimula ng bagong concept ng kanyang Sunday show na simula this Sunday ay tatawagin nang Dear Uge Presents.

Pinalitan na ang dating concept na nasa sari-sari store siya at nagbabasa ng sulat.

Matagal sa Italy si Eugene at pagbalik niya ng bansa, kasama nito ang asawang si Danilo Bottoni, kaya walang rason si Eugene na lumipad na naman sa Italy to see her husband.

Samantala, 49 years old na si Eugene, pero lumaktaw na siya sa 49 at ang sinasabi ay 50 years old na siya bilang pagsunod sa paniniwala ng mga Chinese. Ito ay kahit hindi naman siya Chinese.

Sa July 23, pa naman ang birthday niya, pero ngayon pa lang, feeling 50 years old na siya at may birthday wish na ‘optimum health’ para makasama pa ng matagal ang husband niya at ma-enjoy pa nila ang buhay na magkasama.

“Babe,” “Baby” at “Love” ang terms of endearment nina Eugene at Danilo, pareho silang gustong mag-travel, watch movies at gusto raw ni Danilo na artista siya.

“He likes me to accept movies again, siya ang nagpamulat sa akin na artista pala ako.

JACKIE FORSTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with