Eugene tinatampal-tampal ang sarili sa pasasalamat na nagka-dyowa pa
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

Kita sa aura ng comedian-actress na si Eugene Domingo na masaya ang career niya at ang kanyang lovelife, nang makausap siya ng ilang entertainment press sa taping ng Dear Uge. Fourteen years na palang Kapuso si Eugene at wala siyang mairireklamo sa treatment sa kanya ng network. 

Bukod sa pagho-host ng game shows sa GMA-7 noon, four years na siyang nagho-host ng Dear Uge, na kasabay din nang  makilala  niya ang kanyang ‘the one’ na si Danilo Bottoni, isang Italian na into films din ang work.

“Pero na-miss ko na rin ang pag-arte ngayon,” sabi ni Eugene. “Last acting vehicle ko pa ang Septic Tank, kaya ngayong magsi-celebrate kami ng anniversary sa February, every week ay kasama na akong umaarte ng mga special guests ko. Wala na ang tindahan ni Uge, wala na rin si Divine, na tiyak akong bibigyan naman siya ng bagong show ng network dahil mahusay naman siyang artista. Sa bagong show namin, ita-tackle namin lahat ng klase ng story, comedy, drama, mga inspiring stories.

“Like ngayong Sunday, after ng All-Out Sundays, special guests ko sina Rhian Ramos at Sanya Lopez, titled Sistering, magkakapatid kaming tatlo, OFW ako na isasakripisyo ko ang pag-ibig ko para magtrabaho abroad, at mapag-aral ko sila, makatapos at magkaroon ng comfortable life.”

Director nila si Mark Sicat dela Cruz from the script of Gina Marissa Tagasa.

Masaya rin ang lovelife ni Uge dahil kapag narito sa Pilipinas si Danilo, tulad ngayon, na magkasama silang bumalik sa pagbabakasyon niya sa Italy, si Danilo ang nagluluto at nag-aasikaso para sa kanya, pinapanood lamang niya.

“Kung minsan na parang hindi ako makapaniwalang nangyayari iyon, naiiyak ako at tinatampal-tampal ko ang sarili ko para malaman ko kung totoo. I’m now 49 years old, meaning 44 years old ako nang makita at makilala ko si Danilo, na akala ko ay hindi na darating. Pero si BFF ko (AiAi delas Alas) na dapat daw magkaroon ako ng boyfriend at tama nga siya. At ako sa sarili ko, nag-thank ako kay Lord and promise Him na I will take good care of him.”

Masaya rin si Uge dahil matutupad na ang wish niya na makapag-guest sa kanyang show si AiAi. Ang tagal daw niyang hinintay ang chance na iyon dahil naging very busy sa work ang kaibigan. Pero ngayon, nagbigay na ito ng schedule at magti-taping na sila para sa anniversary month nila, sa buong February. 

Mapapanood sa Pre-Valentine’s Day offering nila, ang special guest niya na si Gabby Concepcion.

EUGENE DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with