Coco at Angelica magtatagal sa Dubai!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

Ngayong first week of February hanggang bago mag-Valentine’s ang shooting sa Dubai, United Arab Emirates ng pelikulang pinagtatambalan nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

More than a week silang magsu-shoot doon, kaya for sure, nag-a-advance na ng kanyang mga eksena si Coco para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Tatamaan din ang isang taping ni Angelica ng Banana Sundaes.

Mukhang sa March daw ang showing ng pelikula nina Coco at Angelica, pero wala pa namang announcement ang Star Cinema tungkol doon.

Never nag-trending Darna ni Jane, walang ingay!

Nagsu-shooting na ang Darna movie ni Jane de Leon.

Napansin mo ba, Ateng Salve, kung trending topic sa social media ang tungkol doon?

Parang wala kasi akong masyadong naririnig na mga kuwento.

Hindi ba masyadong napag-uusapan ‘yon?

Well…

Kim at Xian hanggang teleserye muna

Masaya ang KimXi fans dahil may bagong series na sina Kim Chiu at Xian Lim sa ABS-CBN, pero marami sa kanila ang nagtatanong kung magkakapelikula ba together ngayong 2020 ang reel and real life sweethearts?

Sabi ng isang napagtanungan ko, wala na raw movie contract na natira sa Star Cinema si Xian.

Hindi lang masagot ng pinagtanungan ko kung posible bang mag-co-produce ang Star Cinema at Viva Films para magkaroon uli ng movie team-up ang KimXi.

Anak ni Waray… inaabangan na

Alam mo, Ateng Salve, excited akong manood bukas ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Siyempre, favorite ko sina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Pero ang mapapanood muna sa series na magpa-pilot telecast bukas ay sina Max Collins at Lovi Poe bilang young Snooky and Dina, respectively.

Fave ko rin si Lovi, kaya watch na ako starting tomorrow ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Mother Lily at Sen. Bong may nabuong pelikula

Ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Baccor City Mayor Lani Mercado sa Chinese New Year’s eve party ni Mother Lily Monteverde sa kanyang 38 Events Place sa Valencia St., Quezon City.

Bale birthday party rin ‘yon ng anak ni Mother Lily, si Dondon Monteverde.

Sa tsikahan nina Mother Lily at Sen. Bong, mukhang may “nabuo” na silang pelikula.

Nasa party nga rin pala na ‘yon si James Yap na mag-isa lang dumating.

ANGELICA PANGANIBAN COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with