Para sa year of the rat... Marian mas magpo-focus sa pamilya kesa sa career!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 26, 2020 - 12:00am

Maghihinay-hinay raw sa career si Marian Rivera. Ito ang prediksyon ng Feng Shui expert na si Madam Suzette Arandela. Isinilang sa Year of the Metal Rat si Yan kaya hiningan ng GMA Network ng prediksyon kay Marian.

“Sa kanyang career, marami akong nakikitang offer pero ‘yung nakikita ko sa kanya, mas pipiliin niya ang mag-slow down sa career and then focus siya sa kanyang family,” saad ni Madam Suzette.

Pagdating sa lovelife, very stable daw ang kanyang relationship sa asawa at sa mga anak.

Ricci at Johnvic, naki-Tala rin!

Nahawa na rin ang mga atletang sina Ricci Rivero at Johnvic de Guzman sa Tala dance challenge. Basketball player si Ricci habang volleyball player naman si Johnvic.

Nagpamalas ng galing sa pag-indak, kembot at giling sina Ricci at Johnvic sa harapan ng mga bisita ng manager nilang si Dondon Monteverde nang magkaroon ito ng belated birthday celebration at sinalubong naman ni Mother Lily Monteverde ang Chinese New Year last Friday night.

Bukod kasi sa pagiging producer, manager din si Dondon ng mga athlete gaya nina Ricci at Johnvic. Kaya sa okasyon, present din ang PBA (Philippine Basketball Association) player na si James Yap.

Talent din niya ang volleyball player na si Mika Reyes. Solo nang dumating si Mika sa party. Kaya lumakas ang bulong na nagkakalabuan sila diumano ng boyfriend na si Jerome Ponce.

Bukod sa athletes, dumalo rin si San Juan City Mayor Francis Zamora, ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado, Annabelle Rama, Daisy Romualdez, Malou Choa Fagar at komedyanteng si Alex Calleja.

Present din sina Roselle Monteverde, Meme Monteverde and husband, Dondon’s wife Grace and their kids at siyempre, si Mother Lily.

Nakakatuwa lang na silang mga manlalaro eh updated pa rin sa nauuso sa showbiz at social media, huh!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with