Love Thy... matindi pa ang mga eksena sa Kadena
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

Ipapalit ang Love Thy Woman na reunion project ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim at  tampok si Yam Concepcion kasama sina Christopher de Leon, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at iba pa sa magtatapos na hit afternoon TV series na Kadenang Ginto. 

Sa teaser pa lamang ay tinatayang muli itong tututukan ng mga manonood at parang mas matindi pa sa Kadenang Ginto.

Kung ang Love Thy Woman ay reunion TV project nina Kim at Xian, comeback project din ito ni Ruffa na matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon.

Xian at Ryza susubukan ang chemistry

Ang twin-brother ni Fourth Solomon na si Fifth Solomon ang director ng unang tambalan nina Xian Lim at Ryza Cenon, ang Sa Muli under Viva Films.

Nagkaroon na ng story conference para Sa Muli last Thursday afternoon na ginanap sa Board Room ng Viva office.

Hindi nagkamali si Xian sa paglipat sa bakuran ng Viva management dahil sunud-sunod ang kanyang movie projects na kanyang sinimulan sa Miss Granny with pop superstar Sarah Geronimo kasama sina James Reid at Nova Villa. 

Showing naman sa darating na February 19 ang first team-up ni Xian with Cristine Reyes sa pelikulang Untrue na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo na siyang nagdirek ng hit movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez in Kita Kita.

Bukod sa pagiging actor at singer, isa na ring director ngayon si Xian na kanyang sinimulan sa pelikulang Tabon na naging entry sa 2019 Cine­malaya Film Festival nung isang taon.

Kara Madrid, gusto na uling magpaka-active sa career

Balik-Viva ang maganda at seksing singer-actress na si Kara Madrid (dating Kara Mitzki) na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin bilang si Lt. Serena Mendoza na isa sa mga miyembro ng Task Force Aguila na pinamumunuan ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Naging in-active last year si Kara dahil tinapos niya ang kanyang MBA in Business Management sa Integra Business School. Siya’y nagtapos ng BSBA major in Marketing sa International Academy of Business and Economics in Makati.

Ngayong tapos na ni Kara ang kanyang pag-aaral pati Master’s degree, gusto niyang mag-focus nang husto sa kanyang singing and acting career.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with