Barbie laging naaambunan ng kita ni Jak sa pagiging vlogger
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

Almost three years na ang relasyon nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kapuso hunk actor Jak Roberto, kaya naman ang mga friends ni Barbie, binibiro siyang ang swerte niya kay Jak dahil bukod sa mabait, mukhang yummy boyfriend pa.“Kung swerte ako sa kanya, swerte rin naman si Jak sa akin, kasi ang ganda-ganda ko,” birong sagot ni Barbie. “But it’s true napaka-swerte ko sa kanya dahil napakabait nga niya, napakaganda pa niyang travel partner. Kababalik lamang namin from Japan noong Christmas Holidays, treat niya sa akin, dahil nakasweldo siya bilang isang vlogger. Masipag siyang mag-vlog. At lagi akong kasama sa treat niya tuwing makakasweldo siya. Next target naming puntahan ni Jak, sa South Korea naman.”

Sana ay hindi makapigil sa bakasyon nila ang sisimulan ni Barbie na  primetime series, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday kung saan gaganap siyang si Ginalyn at first time niyang makakasama ang Kapuso tween star na si Kate Valdez at ang mga mahuhusay na actress na sina Ms. Snooky Serna, ang nanay niyang Waray at si Ms. Dina Bonnevie as the Biday na nanay ni Caithlyn (Kate).

“Maganda po rito, bago kami nagsimulang mag-taping, nagkaroon muna kami ng immersion ng character namin. Itinuro nila sa akin ang Waray culture, kung paano sila namuhay, magtrabaho at ipinakita rin sa akin kung gaano sila kalapit bilang isang family.”

Kate nahiyang lumapit kay Dina

Si Kate Valdez naman ay hindi pa masyadong matagal sa showbiz, pero very loving niya at mahusay makisama. 

“Sobrang ramdam ko po na very warm sa akin ni Ate Barbie, naramdaman ko iyong care niya as an ate, kaya na-excite ako nang malaman kong gaganap kaming sisters dito sa story.  Ang bait-bait niya, kaya nag-enjoy ako nang magkasama kaming pumunta ng Leyte at sa Ilocos, sa Paoay at sa Sand Dunes.”

Pero inamin ni Kate na nahiya siyang lumapit noong una kay Ms. Dina Bonnevie at na-starstruck rin siya sa beteranang aktres.

“Nang una kaming nagkasama sa storycon at sinabing kami ang mag-ina sa story, parang hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan,” pagtatapat ni Kate. “Pero nang ipakilala na kami, feel ko rin ang sweetness niya as a mom sa aming serye. Very accommodating siya kapag may itinatanong ako sa kanya. Kaya po laging masaya ang set namin, lalo na kung nagkakasama-sama kami.”

Ang Anak ni Waray Vs Anak ni Biday, ay dinidirek ni Mark Sicat dela Cruz at may world premiere simula sa Monday, January 27, after ng 24 Oras.

BARBIE FORTEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with